2025
Nagtataglay ng Kahinahunan
Para sa Lakas ng mga Kabataan Nobyembre 2025


Sesyon sa Linggo ng Umaga

Nagtataglay ng Kahinahunan

Mga Sipi

alt text

Estonia

Chile

I-download ang PDF

Ipinahayag ng Panginoon: …

“At walang sinuman ang makatutulong sa gawaing ito maliban kung siya ay magiging mapagpakumbaba at puno ng pagmamahal, may pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa kapwa-tao, na mahinahon sa lahat ng bagay, anuman ang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.”

Ang paggabay ng Tagapagligtas, na nakatala sa sagradong paghahayag na ito, ay nagpapaalala sa atin na ang kahinahunan ay kailangan para sa matibay na pundasyon kay Jesucristo. …

Sa mga katangiang taglay ng mga tunay na disipulo ni Cristo, ang kahinahunan ay kapansin-pansin sa Tagapagligtas mismo, isang mahalagang bunga ng Espiritu, na makakamtan ng lahat ng handang magabayan ng Diyos. …

Ang mga disipulo ni Cristo na nagsisikap na magkaroon ng katangiang ito na katulad ng kay Cristo ay lalong nagiging mapagpakumbaba at mapagmahal. …

… Inaanyayahan tayo ng ebanghelyo ni Jesucristo na gamitin ang katangiang ito lalo na sa mahihirap na panahon, sapagkat sa mga pagkakataong ito mismo lumalabas ang tunay na pagkatao ng isang indibiduwal. …

Ang ministeryo ng Tagapagligtas sa lupa ay kinakitaan ng kahinahunan sa lahat ng aspekto ng Kanyang pagkatao. …

Si Jesucristo, ang pinakadakila sa lahat, ay nagdusa para sa atin hanggang sa lumabas ang dugo sa bawat pinakamaliit na butas ng Kanyang balat, subalit hindi Niya kailanman tinulutan ang pagkapoot na pumasok sa Kanyang puso, ni ang malulupit, nakakasakit, o masasamang salita na mamutawi sa Kanyang mga labi, maging sa gitna ng gayong paghihirap. …

… Kapag nagsisikap tayo nang may pananampalataya at sigasig na lakipan ng kahinahunan ang ating mga kilos at salita, pinatototohanan ko na mapapalakas at maisasalig natin ang ating buhay sa tunay na saligan na siyang ating Manunubos.