2025
Palakasin ang Loob ng Isa’t Isa
Para sa Lakas ng mga Kabataan Nobyembre 2025


Sesyon sa Sabado ng Gabi

Palakasin ang Loob ng Isa’t Isa

Mga Sipi

alt text

Ecuador

New Zealand

I-download ang PDF

Kailangan natin ang isa’t isa. Ang banal na lakas ay nanggagaling sa pagkakaisa, at iyan ang dahilan kung bakit masigasig si Satanas na paghati-hatiin tayo.

Sa kasamaang-palad, para sa ilan sa atin, ang pagdalo sa simbahan ay maaaring mahirap paminsan-minsan para sa maraming iba’t ibang dahilan. …

Ang ating karanasan sa simbahan ay naglalayong ibigay ang mahahalagang koneksiyon sa Panginoon at sa isa’t isa na lubhang kinakailangan para sa ating espirituwal at emosyonal na kagalingan. …

Ang pag-ibig at pag-aaruga na tulad ng kay Cristo ay mas mataas at mas banal. …

… Tayong lahat ay bahagi ng pamilya ng Diyos, at mahal Niya ang lahat ng Kanyang mga anak. Nais Niya sa mga anak Niya na mahalin Siya at gayon din ang bawat isa.

Ang buhay ng Tagapagligtas ay halimbawa ng pagmamahal, pagtitipon, at pag-aangat maging sa mga itinuring ng lipunan na mga itinakwil at marurumi. Sa Kanya’y isang halimbawa na ipinag-uutos na sundan natin. …

May mga pagkakataon sa bawat buhay natin na tayo naman ang mangangailangan ng tulong at panghihikayat. Mangako tayo ngayon na laging gagawin iyon para sa isa’t isa. …

Sa inyo na nakararamdam na napag-iiwanan na kayo sa karera ng buhay, itong lakbayin ng mortalidad, magpatuloy lamang kayo. Tanging ang Panginoon ang lubos na makapagsasabi kung saan na kayo dapat sa puntong ito, at Siya ay puno ng awa at makatarungan. …

Panatilihing nakatuon ang inyong mga mata sa Tagapagligtas. Siya ang inyong gabay na bakal. Huwag ninyo Siyang pakawalan. Pinatototohanan ko na buhay Siya at mapagkakatiwalaan ninyo Siya. Pinatototohanan ko rin na pinalalakas Niya ang inyong loob.