2025
Pinabibilis ng Panginoon ang Kanyang Gawain
Para sa Lakas ng mga Kabataan Nobyembre 2025


Sesyon sa Sabado ng Hapon

Pinabibilis ng Panginoon ang Kanyang Gawain

Mga Sipi

alt text

Chile

USA

I-download ang PDF

May malinaw na katibayan na nadaragdagan ang pananampalataya kay Jesucristo sa ating panahon. Sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, tumaas ang bilang ng mga bagong miyembro at ng partisipasyon ng mga bagong miyembro. …

… Habang pinabibilis ng Panginoon ang Kanyang gawain, dapat nating mahalin, pangalagaan, at paglingkuran ang mga tumatanggap ng Kanyang ebanghelyo. …

Kayong mga bago o nagbabalik na miyembro, may mga hamon kayong kakaharapin. Maging matiyaga sa inyong sarili. …

Mahalagang tanggapin ang mga ordenansa at mga tipan at sumunod sa mga kautusan. Magtuon sa mga tipan na kailangan para sa kadakilaan. …

Ang pag-aaral ng dalisay na doktrina ni Jesucristo ay habambuhay na gawain, kapwa sa pag-unawa sa doktrina at pamumuhay na katulad ng kay Cristo. Ang mahahalagang tipan ay naglalaan ng balangkas na inilalarawan natin bilang landas ng tipan. …

Kung nagtakda kayo ng mithiin na maging karapat-dapat sa pagtanggap ng bawat tipan na kailangan para sa kadakilaan, mapupunta kayo sa landas na patungo sa kahariang selestiyal. Ang templo at ang mga ordenansa sa templo ang kinakailangan nating pagtuunan. …

Nadarama nating lahat ang kakulangan natin habang nagsisikap tayo na maging katulad ni Jesucristo. Ang Kanyang Pagbabayad-sala ay nagtutulot sa atin na magsisi araw-araw kapag nagkakamali tayo. …

Hindi madali kailanman na sundin ang Tagapagligtas at ang Kanyang doktrina at mga turo sa mundong patuloy na nagkakagulo. … Mapalad tayo na nagbibigay ang mga buhay na propeta ng payo at patnubay na kailangan natin lalo na sa ating panahon. …

… Ibinabahagi ko ang aking walang-alinlangan at tiyak na patotoo na si Jesucristo ay buhay, at dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala, maaari tayong maging kaisa ni Cristo.