Sesyon sa Sabado ng Hapon
Ang Pagpapahayag Tungkol sa Mag-anak—Mga Salita mula sa Diyos
Mga Sipi
USA
Gustung-gusto ko ang pagpapahayag sa mag-anak. … Ang pagpapahayag ay mula sa langit, kaya kailangan nating tratuhin ito nang may pagpipitagan na marapat sa mga salitang mula sa Diyos. …
Nang ilahad ang pagpapahayag, hindi ito nakaayon sa mga pananaw ng marami sa mundo. Hindi noon. Hindi ngayon. May mga taong nasasaktan sa pagpapahayag tungkol sa pamilya, kasal, at kasarian. Iminumungkahi ng ilan na bawiin, baguhin, o isantabi pa nga ang pagpapahayag.
Ang pagpapahayag na ito tungkol sa pamilya, tulad ng sabi ni Pangulong Hinckley, ay doktrina, mahal kong mga kapatid. Ang mga prinsipyo ay hindi nakalihis kundi talagang tugma sa mga paraan ng Panginoon at sa Kanyang landas ng tipan. Ang mga turo ng pagpapahayag ay inihayag ng ating Panginoong Jesucristo sa Kanyang mga Apostol noon at ngayon. …
Para sa mga alalahaning iyan, dapat ninyong malaman na kayo ay anak ng mga magulang sa langit, bahagi kayo ng pamilya ng inyong Ama sa Langit. Walang mas nakakakilala sa inyo o mas nag-aalala tungkol sa inyo kaysa sa Kanya. Bumaling sa Kanya; ibuhos ang damdamin ninyo sa Kanya, magtiwala sa Kanya at sa Kanyang mga pangako. …
Makikita natin sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak:
“Ang mga ama at ina ay may pananagutang magtulungan bilang magkasama na may pantay na pananagutan.”
Ang pantay ay isang mahalagang salita. …
Kapag namuhay tayo na nakatuon ang mga mata sa kaluwalhatian ng Diyos, iginagalang at sinusuportahan natin ang isa’t isa. …
Inilaan ng ating Ama sa Langit ang pagpapahayag tungkol sa pamilya para gabayan tayo pauwi sa Kanya, para tulungan tayong matuto at mapuspos ng pagmamahal, layunin, at walang-hanggang pang-unawa.