2025
Gawin ang Inyong Bahagi nang Buong Puso
Para sa Lakas ng mga Kabataan Nobyembre 2025


Sesyon sa Sabado ng Umaga

Gawin ang Inyong Bahagi nang Buong Puso

Mga Sipi

alt text

Germany

I-download ang PDF

Sa madaling salita, kailangan ng disiplina sa pagkadisipulo. …

… Ang ating pananampalataya, na ating katapatan sa Tagapagligtas, ay nagiging mas matibay kapag sinubok ito laban sa oposisyon na kinakaharap natin dito sa mortalidad. Nagtatagal ito dahil patuloy natin itong inaalagaan, aktibo natin itong isinasabuhay, at hindi tayo sumusuko kailanman.

Sa kabilang banda, kung hindi natin gagamitin ang pananampalataya at ang kapangyarihan nitong makumbinsi ang iba na maniwala sa pamamagitan ng pagkilos ayon sa mga ito, nababawasan ang ating katiyakan sa mga bagay na dati nating itinuring na sagrado—nababawasan ang tiwala natin sa mga bagay na alam nating totoo. …

Ang alab ng dating patotoo ay pansamantala lamang na magpapainit sa ating pananampalataya. …

… Ang ating mga kaloob ay lumalaki at dumarami lamang kapag ginamit natin ang mga ito. …

Maaaring totoo na ang ating mga espirituwal na kaloob ay hindi laging kapansin-pansin, pero hindi ibig sabihin niyan na hindi mahalaga ang mga ito. …

Kaya gawin natin ang ating maliliit na bahagi. …

Tandaan, si Jesucristo na ang gumawa ng hindi pangkaraniwang bahagi nang magapi Niya ang kamatayan at kasalanan.

Ang ating gagawin ay sundan si Cristo. …

Kapag mahina ang pananampalataya, mag-umpisa nang may pag-asa kay Cristo Jesus at sa Kanyang kapangyarihang maglinis at magpadalisay. …

Alam natin na hindi tayo magagawang selestiyal ng mga pagsisikap lamang natin. Ngunit magagawa tayo ng mga ito na tapat at nakatuon kay Jesus ang Cristo, at maaari Niya tayong gawing selestiyal. …

… Nagpapasalamat tayo sa mga hakbang na ginawa natin kahapon, ngunit hindi tayo titigil doon. Alam natin na malayo pa ang ating lalakbayin, ngunit hindi natin hahayaang pahinain niyan ang ating loob.

Iyan ang diwa ng ating tunay na pagkatao—bilang mga disipulo ni Cristo.