Sesyon sa Sabado ng Umaga
Ang Nakasentro sa Pamilya na Ebanghelyo ni Jesucristo
Mga Sipi
Mongolia
Argentina
Ang doktrina ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nakasentro sa pamilya. …
Sa kabila ng konteksto ng doktrinang iyon, mayroong oposisyon. …
Ang pagbaba ng bilang ng kasal at pag-aanak sa buong bansa ay nauunawaan sa makasaysayang mga kadahilanan, pero ang mga pinahahalagahan at gawi ng mga Banal sa mga Huling Araw ay dapat bumuti—hindi sumunod—sa mga uso na iyon. …
Habang nababawasan ang impluwensiya ng magulang, ang mga Banal sa mga Huling Araw ay mayroon pa ring responsibilidad na bigay ng Diyos na turuan ang kanilang mga anak na maghanda para sa tadhana ng ating pamilya sa kawalang-hanggan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 68:25). …
Ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo ang ating tunay na huwaran. … Ang pagsunod kay Cristo at paglilingkod natin sa isa’t isa ang pinakamainam na lunas sa pagiging makasarili at indibiduwalismo na tila karaniwan ngayon.
May tungkulin din ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak ng praktikal na kaalaman bukod sa mga alituntunin ng ebanghelyo. …
… Ang mga pamilya ay umuunlad kapag sila ay natututo bilang grupo at nagsasanggunian sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pamilya at mga miyembro nito. …
Malaking pagpapala ang dumarating sa mga pamilya kung sama-sama silang nananalangin, lumuluhod sa gabi at umaga para mag-alay ng pasasalamat para sa mga pagpapala at manalangin para sa mga karaniwang alalahanin. Pinagpapala rin ang mga pamilya habang sama-sama silang sumasamba sa Simbahan at sa iba pang debosyonal. Ang buklod ng pamilya ay pinatitibay din ng mga kuwento ng pamilya, paglikha ng mga tradisyon ng pamilya, at pagbabahagi ng mga sagradong karanasan. …
Pinatototohanan ko ang Panginoong Jesucristo na Bugtong na Anak ng Diyos na ating Amang Walang Hanggan. Inaanyayahan Niya tayong sundin ang landas ng tipan na humahantong sa muling pagsasama ng pamilya sa langit.