2025
Mapapalad ang mga Tagapamayapa
Para sa Lakas ng mga Kabataan Nobyembre 2025


Sesyon sa Sabado ng Umaga

Mapapalad ang mga Tagapamayapa

Mga Sipi

alt text

Brazil

Conference Center, USA

I-download ang PDF

Paglabas ni Jesus mula sa Libingan, ni Dan Burr

Isaalang-alang muna natin ang tatlong lugar na ito kung saan ang makabagong Banal sa Huling Araw ay lumilikha ng kapayapaan.

Ang una ay sa ating puso. …

… Ang ebanghelyo ni Jesucristo ang nangangalaga at nagpapatibay sa mga banal na katangiang ito, pati na ang paglikha ng kapayapaan, sa ating puso, na nagpapala sa atin sa buhay na ito at sa susunod.

Ikalawa, ang paglikha ng kapayapaan sa ating tahanan—gamit ang huwaran ng Panginoon para impluwensiyahan ang ating mga ugnayan sa isa’t isa: panghihikayat, mahabang pagtitiis, kahinahunan, kaamuan, at pag-ibig na hindi nagkukunwari. …

… Para maging mga tagapamayapa, pinapatawad natin ang iba at sadyang iniaangat ang iba sa halip na siraan sila.

Ikatlo, paglikha ng kapayapaan sa ating mga komunidad. …

… Sa ating mga kongregasyon at komunidad, nawa ay piliin nating ituring ang isa’t isa bilang mga anak ng Diyos.

Bilang buod, mayroon akong imbitasyon. … Maaari bang isaalang-alang ninyo ang isang tatlong-linggong plano na may tatlong hakbang para maging tagapamayapa?

  1. Isang tahanang walang pagtatalo: Kapag nagsisimula na ang pagtatalo, tumigil sandali at magsimula muli gamit ang magiliw na mga salita at gawa.

  2. Pagbuo ng digital na tulay: Bago mag-post, sumagot, o magkomento online, itanong, Makabubuo ba ito ng tulay? Kung hindi, itigil ito. Huwag ipadala ang mensahe. Sa halip, magbahagi ng kabutihan. Itaguyod ang kapayapaan bilang kapalit ng poot.

  3. Pakikipag-ayos at pagsasama-samang muli: Maaaring maghanap ang bawat kapamilya ng hindi magandang ugnayan para humingi ng paumanhin, mag-minister, makipag-ayos, at magsama-samang muli. …

Ang paglikha ng kapayapaan ay katangiang katulad ng kay Cristo. …

Tinutupad natin ang ating banal na papel bilang mga anak ng mapagmahal na Ama sa Langit sa pagsisikap natin na maging mga tagapamayapa.