2025
Umasa sa Diyos at Mabuhay
Para sa Lakas ng mga Kabataan Nobyembre 2025


Sesyon sa Linggo ng Umaga

Umasa sa Diyos at Mabuhay

Mga Sipi

alt text

California

Bolivia

Conference Center, USA

Madagascar

I-download ang PDF

Mangyari pa, ang payo na “umasa sa Diyos at mabuhay” ay makahulugan sa atin hindi lamang sa kawalang-hanggan, kundi gumagawa rin ng malaking kaibahan sa uri at kalidad ng ating buhay sa mundo. …

Walang pangako na paulit-ulit na mababasa sa Aklat ni Mormon maliban dito: “Habang inyong sinusunod ang aking mga kautusan kayo ay uunlad sa lupain; datapwat habang hindi ninyo sinusunod ang aking mga kautusan kayo ay itatakwil mula sa aking harapan.” … Ibig sabihin ng “umunlad” ay matamasa ang patnubay at mga pagpapala ng langit sa kanilang buhay. … Kabilang sa “pag-unlad” ang kakayahang madaig ang paghihirap at pagsubok. …

… Ang mga utos at payo ng Diyos ay nasa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng Kanyang mga tagapaglingkod. Ang mga alituntunin at mithiing nakasaad sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” ay pinakamagandang halimbawa. Isa pang gabay ang matatagpuan sa buklet na Para sa Lakas ng mga Kabataan. …

Tila walang katapusan ang paghahanap ng mga tao ng iba’t ibang mapagkukunan ng kahulugan sa buhay, kaligayahan, at tulong. Karamihan ay “[tumitingin] nang lampas sa tanda.” … Sa pag-asa sa Diyos, makasusumpong tayo ng kapayapaan sa kahirapan, at patuloy na lalago ang ating pananampalataya kahit sa panahon ng pag-aalinlangan at espirituwal na hamon. Maaari tayong tumanggap ng lakas sa harap ng oposisyon at pagkawalay. Maaari nating matukoy ang kaibahan ng kasalukuyang realidad ng buhay mula sa konsepto ng idealismo. …

Ang ibig sabihin ng umasa sa Diyos ay hindi lamang maging isa Siya sa ating mga priyoridad; bagkus, ang ibig sabihin nito ay Siya ang ating pinakapriyoridad.