2025
Ang Nagbabayad-salang Pagmamahal ni Jesucristo
Para sa Lakas ng mga Kabataan Nobyembre 2025


Sesyon sa Sabado ng Gabi

Ang Nagbabayad-salang Pagmamahal ni Jesucristo

Mga Sipi

alt text

Talitha Cumi, ni Eva Koleva Timothy

I-download ang PDF

Kung nakagawa kayo ng mabibigat na kasalanan at nasa proseso ng pagsisisi o may hangarin kayong lubos na magsisi at madama ang di-masambit na kagalakan ng kapatawaran, dapat ninyong malaman na ang himalang ito ay naghihintay sa inyo. …

Ang pagtalikod sa kasalanan, pagbaling sa Diyos, at pagpapatibay ng inyong pananampalataya kay Jesucristo ay isang magandang simula. Kabilang sa mapagpakumbabang pagsuko ng inyong kalooban sa Diyos ang pag-amin sa mabibigat na kasalanan sa inyong bishop o branch president, pero ang inyong lubos na kapatawaran ay nagmumula sa Tagapagligtas. …

Ang pagnanais na tunay na bumalik sa Diyos ay may kasamang determinasyon na lubos na maging tapat sa inyong Ama sa Langit, sa inyong sarili, sa mga nasaktan, at sa inyong priesthood leader. …

Ang inyong pananabik ay inaakay kayong magsisi at naising ayusin ang mali ninyong nagawa. Subalit, natatanto na may ilang bagay na hindi ninyo kayang ayusin, taimtim ninyong ipinagdarasal na tulungan kayo ng Panginoon, sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, na paghilumin ang mga nasaktan dahil sa inyong mga ginawa. …

Kapag humingi kayo ng tawad sa Panginoon, magtiyaga habang hinihintay ninyo ang Kanyang buong pagsang-ayon. …

Para sa inyo na walang-katarungang nasaktan sa mabibigat na kasalanan ng iba, gusto kong ibahagi ang pagmamahal at habag ng Tagapagligtas, ang Kanyang ginhawa at kapayapaan.

… Tinitiyak ko sa inyo na kilala at mahal kayo ng Tagapagligtas. Humingi ng tulong sa Kanya. Siya ang inyong ginhawa at lakas; isusugo Niya ang Kanyang mga anghel para aliwin kayo.