2025
At Ngayo’y Nakakakita na Ako
Para sa Lakas ng mga Kabataan Nobyembre 2025


Sesyon sa Linggo ng Umaga

At Ngayo’y Nakakakita na Ako

Mga Sipi

alt text

Scotland

I-download ang PDF

Nakatala sa ikasiyam na kabanata ng Juan ang karanasan ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo noong may nadaanan silang pulubi na ipinanganak na bulag. …

Si Jesus ang nagbigay-kahulugan sa usapang ito, sinasabi sa Kanyang mga disipulo na nangyari ang lahat ng ito “upang mahayag sa kanya ang mga gawa ng Diyos.” …

Isa pang katotohanang kapansin-pansin dito ay ang mga bagay na ginamit ng Manlilikha ng langit at lupa at ng lahat ng nasa mga ito para magawa ang himalang iyon: laway at kaunting lupa! Ang mga hindi inaasahang sangkap na ito ay nagpapahayag na mapagpapala tayo ng Diyos sa anumang paraan na piliin Niya. …

Ano naman kung ang mga sagot sa ating mga dasal ay dumarating sa pamamagitan ng karaniwan o masalimuot na mga paraan? Handa ba tayong magtiyaga, na magpatuloy sa pagsubok na ipamuhay ang ebanghelyo ni Cristo gaano man karaming laway at luad ang kailangan? …

Ang unang karanasan ko sa tunay na katibayan ng katotohanan na nagbigay sa akin ng paningin at buhay ay hindi sumapit dahil sa pagpapahid ng luad o sa imbakan ng tubig ng Siloam. Hindi, ang instrumento ng katotohanan na nagdulot ng aking paggaling mula sa Panginoon ay dumating bilang mga pahina sa isang aklat, oo, ang Aklat ni Mormon: Isa pang Tipan ni Jesucristo! …

… Gayunman, ang epekto sa buhay ko ng Aklat ni Mormon ay mahimalang tulad ng paglalagay ng dura at lupa sa mga mata ng lalaking bulag. Para sa akin, ito ay gabay para sa kaligtasan ng aking kaluluwa, isang bukod-tangi at makapangyarihang liwanag ng paghahayag, isang liwanag sa landas na dapat kong tahakin kapag dumating ang mga abu-abo ng kadiliman. At tiyak na dumating na ang mga iyon, at tiyak na darating ang mga iyon.