Sesyon sa Linggo ng Hapon
Mga Sagradong Banal na Kasulatan—ang Pundasyon ng Pananampalataya
Mga Sipi
Kami ng asawa kong si Mary ay nakakita kamakailan ng isang T-shirt na may larawan ng isang aklat na may mensahe sa harapan nito na mababasang, “Mga Libro: Ang Orihinal na Handheld Device.” …
Handheld o digital man, ang Banal na Biblia at ang Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo ay nagbibigay ng espirituwal na patnubay at turo mula kay Jesucristo, ang Tagapagligtas ng sanlibutan. …
Tulad ng sinabi ko, humanga ako sa konsepto ng orihinal na handheld device—ang aklat. Gayunman, kinikilala ko ang nakapalaking kahalagahan ng Internet sa mundo ngayon. … Ang Internet ay isang mabisang kagamitan sa pag-aaral ng ebanghelyo. Sa kasalukuyan, maraming tao ang nagbabahagi ng mga banal na kasulatan sa mga kaibigan gamit ang teknolohiya. …
Tinuturuan tayo ng mga banal na kasulatan na gumamit ng mabuting paghatol at maging matalino sa lahat ng bagay. Ang Internet ay magagamit sa positibong paraan o sa mapaminsalang paraan. …
… Huwag tumangkilik ng mga imoral, di-tapat, o di-mabuting materyal. … Punuin ang inyong buhay ng positibo at mabubuting ideya, maging masayahin, magsaya pero iwasan ang kalokohan. May pagkakaiba riyan. … Higit sa lahat, patuloy na ituon ang inyong sarili sa pag-aaral ng Aklat ni Mormon, na maglalapit sa Espiritu sa inyong buhay at tutulungan kayo na mahiwatigan ang katotohanan laban sa kamalian.
Ang payo ko para sa mga taong lumihis sa anumang kadahilanan mula sa landas ng tipan ay bumalik kayo sa sagradong mga banal na kasulatan, patnubay ng propeta, pamumuhay sa mga alituntunin ng ebanghelyo sa tahanan, at sa musika ng pananampalataya. Bawat kaluluwa ay mahalaga sa Panginoon. Kailangan namin kayo! Kailangan kayo ng Panginoon, at kailangan ninyo Siya! Malugod kayong tatanggapin palagi.