2024
Mga Araw na Hindi Malilimutan Kailanman
Nobyembre 2024


Sesyon sa Linggo ng Umaga

Mga Araw na Hindi Malilimutan Kailanman

Mga Sipi

alt text

I-download ang PDF

Sa pagitan ng ngayon, 2024, at ng 2034, daranas tayo ng mahahalagang kaganapan na magreresulta sa mga pambihirang pagkakataong maglingkod, makiisa sa mga miyembro at kaibigan, at ipakilala Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa mas maraming tao kaysa noon. …

Dahil dito, nais kong magsalita sa inyo na lumalaking henerasyon, upang anyayahan kayong isipin kung gaano maaaring maging kapana-panabik ang susunod na dekadang ito, isang panahong hindi malilimutan kailanman, para sa inyo. …

… Para sa bawat isa sa inyo, magiging isang dekada ito na hindi malilimutan kailanman. Ngunit madodoble ito kung masigasig kayong magsisikap na maging liwanag sa sanlibutan at ipakita kung paano mapagyayaman at mapapasigla ng masayang balita ng ebanghelyo ni Jesucristo hindi lamang ang inyong buhay kundi maging ang buhay ng inyong pamilya, mga kaibigan, at mga sumusubaybay sa social media.

Maaaring iniisip ninyo kung paano ito gagawin. …

Una, [isabuhay ang] ebanghelyo ni Jesucristo. …

Pangalawa, tumulong nang may habag at magmalasakit sa mga nangangailangan. …

Pangatlo, anyayahan ang lahat na tanggapin ang ebanghelyo. …

Pang-apat, ibuklod ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan. …

Mahal kong mga kapatid, mahal kong mga kaibigang kabataan, malamang na magkaroon ng mga paghihirap ang bawat isa sa atin sa darating na mga araw. Gayunman, sa pagpasok natin sa darating na dekada ng walang-katulad na mga sandali, nawa’y ibahagi natin ang masayang balita sa pamamagitan ng mga simpleng aktibidad ng pagsasabuhay, pagmamalasakit, pag-aanyaya, at pagkakaisa. Kapag ginawa natin ito, bibiyayaan tayo ng Panginoon ng mga karanasang hindi malilimutan kailanman.