Sesyon sa Sabado ng Gabi
Kabanalan sa Panginoon sa Pang-araw-araw na Buhay
Mga Sipi
Sa ating paligid may mga oportunidad na tumawa, matuwa, tumingin nang may pasasalamat. Ang nasa atin ay isang ebanghelyo ng kagalakan at kabanalan sa pang-araw-araw na buhay. Ibinubukod ng kabanalan ang mga bagay-bagay para sa sagradong layunin. Ngunit kabanalan din ang nag-aanyaya sa atin na haluan ng mga bagay na sagrado ang pang-araw-araw na pamumuhay—na magalak sa mga pagpapala at karanasan natin araw-araw sa gitna ng mga problema at hamon ng mundong ito. Para makalakad na kasama ng Panginoon, kailangang maging banal tayo, dahil Siya ay banal, at para matulungan tayong maging banal, inaanyayahan tayo ng Panginoon na lumakad na kasama Siya.
Nilalabanan ng sambahayan ng pananampalataya at komunidad ng mga Banal ang paghihiwalay ng sarili sa iba at ang kawalan ng mga kaibigan. Ang kabanalan sa Panginoon ay tumatanggi sa kabastusan, sa kasungitan na humahamak sa iba, sa mga social media na kumikita sa paghikayat sa mga tao na magalit at [magkawatak-watak]. Ang kabanalan sa Panginoon ay tinatangkilik ang sagrado at mapitagan, ang pagiging pinakamalaya, pinakamaligaya, pinakatunay, pinakamainam na pagkatao habang sinusundan natin Siya nang may pananampalataya.
Ang kabanalan sa Panginoon ay ginagawang sagrado ang pang-araw-araw na buhay. Ito ay nagpapalapit at nagpapasaya sa atin sa Panginoon at sa isa’t isa at naghahanda sa atin na mamuhay kasama ang ating Diyos Ama, si Jesucristo, at ang ating mga mahal sa buhay.
Madarama natin ang Kanyang pagmamahal kapag ginagawa nating bahagi ng ating buhay ang kabanalan sa Panginoon sa bawat araw, masaya at magpakailanman.