Sesyon sa Sabado ng Umaga
Pagsunod kay Cristo
Mga Sipi
Ang pagsunod kay Cristo ay hindi isang kaswal o paminsan-minsang gawain. Ito ay tuluy-tuloy na katapatan at paraan ng pamumuhay na dapat gumabay sa atin sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar. Ang Kanyang mga turo at Kanyang halimbawa ang tumutukoy sa landas para sa bawat disipulo ni Jesucristo. …
Ang mga kautusan ng Diyos ay nagbibigay ng matatag at gumagabay na impluwensiya sa ating mga buhay. …
May isa pa sa mga turo ng Tagapagligtas na tila nangangailangan ng muling pagbibigay-diin sa mga kalagayan sa ating panahon.
Ngayon ay panahon ng maraming mararahas at masasakit na salita sa mga pag-uusap sa publiko at kung minsan kahit sa ating mga pamilya. …
Ano ang dapat ituro at gawin ng mga tagasunod ni Cristo sa panahong ito ng ’di kanais-nais na mga pakikipag-usap? Ano ba ang Kanyang mga turo at halimbawa? …
… Kailangan nating magmahal at gumawa ng mabuti sa lahat. Kailangan nating iwasan ang pagtatalo at maging tagapamayapa sa lahat ng ating pakikipag-usap. Hindi ibig sabihin nito na ibaba ang ating mga prinsipyo at pinapahalagahan kundi huminto sa malupit na pag-atake [sa mga prinsipyo at pinapahalagahan] ng iba. Iyan ang ginawa ng ating Perpektong Huwaran sa Kanyang ministeryo. Iyan ang halimbawang ipinakita Niya para sa atin [nang anyayahan] Niya tayong sumunod sa Kanya. …
Bilang tagasunod ni Cristo, itinuturo natin at pinatototohanan si Jesucristo, ang ating Perpektong Huwaran. Kaya tularan natin Siya sa pamamagitan ng pag-iwas sa alitan. Habang tayo ay nagpapatuloy sa ating mga nais na patakaran sa mga pampublikong gawi, maging karapat-dapat tayo sa Kanyang mga pagpapala sa pamamagitan ng paggamit ng mga wika at pamamaraan ng mga tagapamayapa. Sa ating pamilya at sa iba pang personal na relasyon, iwasan natin ang mga bagay na mararahas at puno ng galit.