2024
Pagbabaon ng Ating mga Sandata ng Paghihimagsik
Nobyembre 2024


Sesyon sa Sabado ng Hapon

Pagbabaon ng Ating mga Sandata ng Paghihimagsik

Mga Sipi

alt text

I-download ang PDF

Ang paghihimagsik ay maaaring maging aktibo o tahimik. …

Marahil ang mas mapanlinlang na uri ng paghihimagsik laban sa Diyos ay ang tahimik na bersiyon—[pagbalewala sa] Kanyang kalooban sa ating buhay. Marami sa mga hindi kailanman pipiliing aktibong maghimagsik ang maaaring sumasalungat pa rin sa kalooban at salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagtahak sa kanilang sariling landas nang hindi isinasaalang-alang ang utos ng Diyos. …

Ang mga espada at iba pang sandata na ibinaon ng mga nagbalik-loob na Lamanita ay mga sandata ng paghihimagsik dahil sa kung paano nila ginamit ang mga ito noon. Ang gayon ding uri ng mga sandata sa mga kamay ng kanilang mga anak na lalaki, na ginamit sa pagtatanggol sa pamilya at kalayaan, ay hindi kailanman sandata ng paghihimagsik laban sa Diyos. …

Sa ganito ring paraan, may mga bagay sa ating buhay na maaaring neutral o likas na mabuti pero kapag ginamit sa maling paraan ay nagiging “mga sandata ng paghihimagsik.” …

… Kung ang ating pagmamahal sa Diyos at ang ating determinasyong paglingkuran Siya nang ating buong kakayahan, pag-iisip, at lakas ang magiging pamantayan natin sa paghatol sa lahat ng bagay at paggawa ng lahat ng ating desisyon, ibinabaon na natin ang ating mga sandata ng paghihimagsik. Sa biyaya ni Cristo, patatawarin ng Diyos ang ating mga kasalanan at paghihimagsik noon at aalisin Niya ang batik o dungis ng mga kasalanan at mga paghihimagsik na iyon mula sa ating puso. …

Ang pagbabaon ng mga sandata ng digmaan ay humahantong sa naiibang kagalakan. … Nawa’y ibaon natin—nang malalim na malalim—ang anumang elemento ng paghihimasik laban sa Diyos sa ating buhay at palitan ito ng isang nagkukusang puso at isipan.