Sesyon sa Linggo ng Umaga
Paghahanap ng mga Kasagutan sa mga Espirituwal na Katanungan
Mga Sipi
Ang pagtatanong at paghahanap ng kahulugan ay isang natural at normal na bahagi ng ating mortal na karanasan. … Ang plano ng Diyos ay maawain sa mga limitasyon ng ating pagkatao; ibinigay sa atin ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo para maging ating Mabuting Pastol; at hinihikayat tayong gamitin ang kalayaan nating piliin Siya. …
Ang paraan ng Diyos Ama at ng Kanyang Anak sa pagbabahagi ng Kanilang karunungan sa atin ay inuuna ang pag-anyaya sa kapangyarihan ng Espiritu Santo para maging ating personal na guro habang isinesentro natin ang ating buhay kay Jesucristo at sa ating matapat na paghahangad sa Kanilang mga kasagutan at Kanilang kahulugan. …
… Sinabi sa atin ng Panginoon na sa ating pagsunod at kasigasigan, maaari tayong magtamo ng kaalaman at katalinuhan. Ang mga batas at utos ng Diyos ay hindi dinisenyo upang maging sagabal sa ating buhay kundi isang makapangyarihang daan tungo sa personal na paghahayag at espirituwal na pagkatuto. …
… Mapalad tayo na nariyan si Jesucristo bilang ating Dalubhasang Manggagamot. Ang ating pagsunod sa mga batas at utos ng Diyos ay maaaring magbigay-daan para [ma]ibigay ng Tagapagligtas ang pang-unawa at pagpapagaling na batid Niyang kailangan natin, ayon sa Kanyang itinakdang plano ng panggagamot sa atin.
Mahal na mga kaibigan, pinatototohanan ko na ang ating taos-pusong mga katanungan tungkol sa ebanghelyo ay maaaring magbigay sa ating Ama sa Langit at kay Jesucristo ng mga oportunidad na tulungan tayong lumago. … Pinatototohanan ko na ang pagtitiwala ninyo sa Ama sa Langit at sa Kanyang mga propeta, na Kanyang isinugo, ay tutulong upang maragdagan ang inyong espirituwalidad at isusulong kayo tungo sa mas malawak na kaalaman ng Diyos.