2024
Ang Tagumpay ng Pag-asa
Nobyembre 2024


Sesyon sa Sabado ng Umaga

Ang Tagumpay ng Pag-asa

Mga Sipi

alt text

I-download ang PDF

Ang kaloob na pag-asa ay isang walang kapantay na kaloob mula sa Diyos. …

Habang pinalalakas natin ang ating pananampalataya kay Jesucristo, lalawak ang ating pananaw sa ating mga paghihirap at makikita natin ang mga pagpapala at mga pangako ng kawalang-hanggan. Tulad ng bombilya na nagliliwanag, ang pag-asa ay nagbibigay ng liwanag sa isang madilim na mundo para makita natin ang ating maluwalhating hinaharap. …

Mga kapatid, ang pag-asa ay isang buhay na kaloob, isang kaloob na lumalago habang nadaragdagan ang ating pananampalataya kay Jesucristo. … Binubuo natin ang mga kapanatagang ito—ang katibayan ng ating pananampalataya— sa pamamagitan ng panalangin, mga tipan sa templo, pagsunod sa mga kautusan, patuloy na pagpapakabusog sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga makabagong propeta, pagtanggap ng sakramento, at pagsamba linggu-linggo kasama ng ating mga kapwa Banal.

Para mapatatag ang ating pag-asa sa panahon ng tumitinding kasamaan, iniutos ng Panginoon sa Kanyang propeta na [punuin ng Kanyang mga templo ang] buong mundo. …

Walang sakit, walang karamdaman, walang kawalang-katarungan, walang pagdurusa, walang anuman ang makakapag-alis ng ating pag-asa kapag tayo ay naniniwala at mahigpit na [nakakapit] sa ating mga tipan sa Diyos sa bahay ng Panginoon. Ito ay isang bahay ng liwanag, isang bahay ng pag-asa. …

Mga kapatid, ang kapayapaang hinahanap ninyo ay maaaring hindi kaagad dumating tulad ng nais ninyo, ngunit [nangangako ako] na kapag nagtiwala kayo sa Panginoon, darating ang Kanyang kapayapaan.

Nawa’y patatagin natin ang ating [mahalagang] pananampalataya, [na patuloy na sumusulong nang may ganap na kaliwanagan ng pag-asa. Pinatototohanan ko na ang ating pag-asa ay ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Sa pamamagitan Niya, lahat ng ating matwid na pangarap ay matutupad. Siya ang Diyos ng pag-asa—ang tagumpay ng pag-asa. Siya ay buhay at mahal Niya kayo.