Sesyon sa Sabado ng Hapon
Welcome sa Simbahan ng Kagalakan
Mga Sipi
Dahil sa mapagpalang plano ng ating Ama sa Langit para sa bawat isa sa Kanyang mga anak, at dahil sa mapagtubos na buhay at misyon ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo, tayo ay maaari—at dapat—maging pinakamasasayang tao sa buong mundo! …
… At wala nang iba pang paraan kung saan mas makikita ang ating kagalakan bilang isang simbahan kaysa sa sama-sama nating pagtitipon tuwing Sabbath sa ating mga sacrament meeting para sambahin ang pinagmumulan ng lahat ng kagalakan! …
Pagpipitagan na may kagalakan? Marahil ay maitatanong ninyo, “May ganyan ba?” Oo, mayroon! Lubos ang ating pagmamahal, pagbibigay-puri, at paggalang sa ating Diyos, at ang ating pagpipitagan ay nagmumula sa kaluluwang nagagalak sa saganang pagmamahal, awa, at [pagliligtas] ni Cristo! …
Kung tayo ay nagtitipon para alalahanin ang Tagapagligtas at ang pagtubos na ginawa Niyang posible, dapat nasasalamin sa ating mga mukha ang ating kagalakan at pasasalamat! …
… Nakatala sa mga banal na kasulatan na “ang awit ng mabubuti ay isang panalangin sa [Diyos]” [Doktrina at mga Tipan 25:12] at nalulugod ang Kanyang kaluluwa rito. Kaya’t magsiawit tayo! At purihin Siya!
Ang ating mga mensahe at patotoo ay nakasentro sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at sa mga bunga ng mapagpakumbabang pamumuhay ng Kanilang ebanghelyo, ang mga bunga na “pinakamatamis sa lahat ng matamis” [Alma 32:42]. …
… Tayo man ay lumuluha dahil sa kalungkutan o pasasalamat sa oras ng sakramento, nawa ito ay para sa pagkamangha sa magandang balita ng kaloob ng Ama na Kanyang Anak! …
… Ito ay paanyayang tanggapin ang kaloob ng Tagapagligtas na kapayapaan, liwanag, at kagalakan—na magsaya dahil dito, mamangha rito, at magalak dahil dito tuwing Sabbath. …
Welcome sa simbahan ng kagalakan!