Sesyon sa Linggo ng Umaga
O Mga Kabataang May Marangal na Pamana
Mga Sipi
Karapatan bilang panganay! … Makabagbag-damdaming salita ito. Pero ano ang ibig sabihin nito? …
Ang pinag-uusapan natin ay ang pamanang matatanggap ninyo bilang kasamang tagapagmana ni Cristo dahil sa inyong ugnayan sa tipan na pinili ninyo upang makapasok sa piling Niya at ng inyong Ama sa Langit. …
Isipin ninyo ito! Nagtitiwala ang Diyos sa inyo—sa lahat ng tao sa mundo, na mga anak ng tipan, na Kanyang mga tripulante—para tulungan Siya sa Kanyang gawain na ligtas na iuwi sa Kanya ang lahat ng Kanyang mga anak. …
… Kayo ay mga kabataang may marangal na pamana. Ang pakikipagtipan ninyo sa Diyos at kay Jesucristo ay isang ugnayang may pagmamahal at tiwala kung saan makatatanggap kayo ng mas maraming biyaya mula sa Kanila—ang Kanilang banal na tulong, pagkakaloob ng lakas, at nagbibigay-kakayahang kapangyarihan. Ang kapangyarihang iyon ay hindi lamang isang pangarap, anting-anting, o katuparan ng sariling propesiya. Ito ay totoo.
Habang isinasakatuparan ninyo ang inyong mga responsibilidad bilang panganay, hindi kayo nag-iisa kailanman. … Katulong ninyo si Jesucristo sa gawain. Sa bawat bagong tipan—at habang lumalalim ang inyong relasyon sa Kanya—mas humihigpit ang hawak ninyo sa isa’t isa hanggang sa matibay kayong nakakapit sa isa’t isa. Sa sagradong simbolong iyon ng Kanyang biyaya, matatagpuan ninyo ang hangarin at lakas na mamuhay nang tugma sa paraan ng pamumuhay ng Tagapagligtas—ibang-iba sa mundo. Magagawa ninyo ito dahil kaagapay ninyo si Jesucristo! …
Huwag ninyong hayaang baguhin kayo ng mundo samantalang isinilang kayo para baguhin ang mundo.