Sesyon sa Sabado ng Umaga
Maging Marapat Kayo sa Inyong mga Pribilehiyo
Mga Sipi
Ang mga ordenansa ng priesthood at ang mga pangako ng tipan ay nagbibigay-daan sa Diyos na pabanalin tayo at pagkatapos gumawa ng mga himala sa ating buhay. Ngunit paano nangyayari ito?
Una, upang maipakita ng ordenansa ang kapangyarihan ng Diyos sa ating buhay, dapat itong isagawa nang may awtoridad na mula sa Anak ng Diyos. …
Pangalawa, hindi lamang tayo [gumagawa ng] mga pangako sa tipan]—dapat nating tuparin ang mga ito. …
Habang tinuturuan si Propetang Joseph kaugnay ng mga susi, katungkulan, ordenansa, at paano tutulong sa paglilingkod sa priesthood, ang Panginoon mismo, sa pamamagitan ng Kanyang propeta, ay nagbigay ng paghahayag kay Emma. …
Kung babasahin natin nang mabuti ang bahagi 25, matutuklasan natin ang isang mahalagang pag-unlad na nagaganap. Si Emma ay magsisimula sa pagiging anak sa kaharian [tungo] sa pagiging “hinirang na babae” hanggang sa maging reyna. Ang mga ordenansa ng Aaronic at Melchizedek Priesthood, kasabay ng pagtupad sa kanyang mga pangako sa tipan, ay magpapalakas sa kanyang pakikipag-ugnayan sa Espiritu at sa mga anghel, na magbibigay sa kanya ng lakas na [maglakbay sa buhay] nang may banal na patnubay. …
… Isang bagay ito na gusto kong maunawaan ng bawat babae sa kaharian.
“Maging marapat kayo sa inyong mga pribilehiyo.”
Alamin kung paano padadaluyin ng mga ordenansa at pangako ng tipan ng priesthood ang kapangyarihan ng Diyos sa inyong buhay nang mas mahusay, mapapasainyo at magagamit ninyo, mapapalakas at [ma]sasandatahan kayo upang marating ang inyong buong layunin at potensyal. …
Matatamo nating lahat ang kaloob na kapangyarihan ng Diyos.
Sa tuwing nakikibahagi tayo ng sakramento.
Sa tuwing pumapasok tayo sa [bukana] ng templo.
Ito ang pinakatampok na kaganapan sa araw ng Sabbath para sa akin. Ito ang dahilan kung bakit pinahahalagahan ko ang aking temple recommend.
“Sa mga ordenansa nito, ang kapangyarihan ng kabanalan ay makikita” [Doktrina at mga Tipan 84:20].