Sesyon sa Linggo ng Umaga
Simple Lamang ang Doktrina ni Jesucristo
Mga Sipi
Ang salita ng Diyos ang doktrinang itinuro ni Jesucristo at ng Kanyang mga propeta. …
… Ang doktrinang ito ay na ang pananampalataya sa Panginoong Jesucristo, pagsisisi, pagpapabinyag, pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo, at pagtitiis hanggang wakas ay nagpapala sa lahat ng mga anak ng Diyos.
Habang itinuturo natin ang mga alituntuning ito sa mga mahal natin sa buhay, tutulungan tayo ng Espiritu Santo na malaman ang katotohanan. Dahil kailangan natin ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo, kailangan nating iwasan ang mga haka-haka o personal na interpretasyon na higit pa sa pagtuturo ng tunay na doktrina.
… Ang isa sa pinakatiyak na mga paraan para maiwasang mapalapit man lang sa maling doktrina ay ang magpasiya na simplihan ang ating pagtuturo. …
Sa pagtuturo nang simple ay naibabahagi natin nang maaga ang nakapagliligtas na doktrina, habang hindi pa naiimpluwensyahan ang mga bata ng mga tukso ng manlilinlang na kalaunan ay kakaharapin nila, bago pa man matabunan ng ingay ng social media, mga barkada, at sarili nilang personal na mga problema ang mga katotohanang kailangan nilang matutuhan. …
Kapag ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya para ituro sa ating mga mahal sa buhay ang doktrina ni Jesucristo, maaaring hindi pa rin tumugon ang ilan. Maaaring magkaroon kayo ng mga pagdududa sa inyong isipan. … Huwag magpadala sa mga pagdududang ito. Humingi ng tulong sa Diyos. …
… Magiging masipag kayo at matiisin. At sa gayo’y malalaman ninyo na nagawa na ninyo ang lahat ng makakaya ninyo para tulungan ang inyong mga mahal sa buhay at ang mga ipinagdarasal ninyo na [malampasan] ang mga pagtatangka ni Satanas na ilihis sila ng landas.