Sa Loob ng Hindi Maraming Taon
Mga Sipi
Ang Aklat ni Mormon ay hindi lamang talaan ng kasaysayan na nagbabalik-tanaw sa nakaraan. Sa halip, ang aklat na ito ng banal na kasulatan ay nakatanaw sa hinaharap at naglalaman ng mahahalagang alituntunin, babala, at aral na inilaan para sa mga sitwasyon at hamon sa ating panahon. Kaya nga, ang Aklat ni Mormon ay isang aklat tungkol sa ating hinaharap at sa mga panahon ngayon na nabubuhay tayo at sa darating pang panahon. …
Ang mga sinaunang tinig mula sa alabok ay sumasamo sa atin ngayon na matutuhan ang walang-kamatayang aral na ito: ang kasaganaan, mga pag-aari, at [kariwasaan] ay [bumubuo ng isang matapang na timpla] na maaaring [maghikayat] maging [sa] mabubuti na inumin ang espirituwal na lason ng kapalaluan. …
… Dapat lagi tayong maging mapagbantay laban sa udyok ng kapalaluan at labis-labis na pagpapahalaga sa sarili, isang maling pagsusuri sa kasapatan ng ating sarili, at paghahangad na pahalagahan ang sarili sa halip na maglingkod sa kapwa. …
Maaari ko bang sabihin na kung kayo o ako ay naniniwala na sapat na ang ating lakas at katatagan upang maiwasan ang kayabangan ng kapalaluan, kung gayon, tayo marahil ay mayroon na ng nakamamatay na espirituwal na sakit na ito. …
Gayunman, kung kayo o ako ay naniniwala na maaari tayong magkaroon ng kapalaluan, kung gayon patuloy tayong gagawa ng maliliit at mga karaniwang bagay na magpoprotekta at tutulong sa atin na maging “tulad ng isang bata, masunurin, maamo, mapagpakumbaba, mapagtiis, puno ng pag-ibig, nakahandang pasakop sa lahat ng bagay na nakita ng Panginoon na angkop na ipabata sa [atin]” [Mosias 3:19].
… Kapag pinag-aaralan at pinagninilayan natin ang [Aklat ni Mormon], pagkakalooban tayo ng mga mata upang makakita, mga tainga upang makarinig, mga puso’t isipan para maunawaan ang mga aral na dapat nating matutuhan upang “mag-ingat sa kapalaluan, [at kung hindi ay baka tayo] matukso” [Doktrina at mga Tipan 23:1].