2024
“Ako Nga”
Nobyembre 2024


Sesyon sa Linggo ng Umaga

“Ako Nga”

Mga Sipi

alt text

I-download ang PDF

Sa buong kasaysayan ng mundo marami ang nagmamaliit at nagbabalewala sa paglalarawan natin [kay Jesucristo] at sa Kanyang patotoo kung sino Siya. Sinasabi nila na pakitang-tao lamang ang Kanyang kabutihan, galit lamang ang Kanyang pagiging makatarungan, pagpaparaya lamang ang Kanyang awa. Hindi tayo kailangang makonsiyensya sa gayong simpleng bersyon Niya na nagbabalewala sa mga turo na hindi komportable sa atin. Ang “pagmamaliit” na ito ay totoo maging patungkol sa Kanyang pinakadakilang katangian, ang Kanyang pagmamahal.

Sa Kanyang mortal na misyon, itinuro ni Jesus na may dalawang dakilang kautusan. … “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos [at] ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.” Kung nais nating tapat na sundin ang Tagapagligtas sa dalawang mahalaga at hindi mapaghihiwalay na mga tuntuning ito, dapat nating matibay na panghawakan ang sinabi Niya talaga. At ang sinabi Niya talaga ay, “Kung ako’y inyong minamahal ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.” Nang gabi ring iyon, sinabi Niya na “kung paanong minahal ko kayo, magmahalan din kayo sa isa’t isa.” …

… Paano nagmahal si Jesus?

Una, nagmahal Siya “nang [Kanyang] buong puso, kakayahan, pag-iisip at lakas,” na nagbigay sa Kanya ng kakayahang pagalingin ang pinakamatinding pasakit at ipahayag ang katotohanang pinakamahirap tanggapin. …

Ang pangalawang katangian ng banal na pag-ibig ni Jesus ay ang Kanyang pagsunod sa bawat salita na nagmumula sa bibig ng Diyos, na laging inaayon ang Kanyang kalooban at pag-uugali sa Kanyang Ama sa Langit. …

… Kapag tumayo tayo sa Kanyang harapan at nakita natin ang mga sugat sa Kanyang mga kamay at paa, unti-unti nating mauunawaan ang naging kahulugan sa Kanya ng pasanin ang ating mga kasalanan at magdalamhati, ng lubusang sundin ang kalooban ng Kanyang Ama—lahat nang dahil sa dalisay na pagmamahal sa atin.