2024
Patabain ang mga Ugat, at Lalago ang mga Sanga
Nobyembre 2024


Sesyon sa Linggo ng Hapon

Patabain ang mga Ugat, at Lalago ang mga Sanga

Mga Sipi

alt text

I-download ang PDF

Ang isa sa mga pinakamahalagang bagay na matututuhan natin sa buhay na ito ay ang malaman kung ano ang walang hanggan at ano ang hindi. …

… Ang ilang katotohanan ay kinakailangan, mahalaga, [sa] ugat ng ating pananampalataya. Ang iba ay pandagdag lamang o mga sanga—mahalaga lamang kung ang mga ito ay nakasalig sa mga pangunahing katotohanan. …

Sa [madaling] salita, si Jesucristo at ang Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo ang ugat ng ating patotoo. Lahat ng iba pang bagay ay [mga] sanga lamang. …

Sa pagpapalakas sa ating patotoo kay Jesucristo, iniisip ko kung napagkakamalan natin [kung] minsan na ang mga sanga ay mga ugat. …

Dapat nating tanungin ang ating sarili: Nakabatay ba ang aking patotoo sa inaasahan kong mangyayari sa buhay ko? Nakasalalay ba ito sa mga ginagawa o asal ng ibang tao? O matatag itong nakasalig kay Jesucristo, “nakaugat at nakatayo sa kanya” [Colosas 2:7], magbago man ang ating mga sitwasyon sa buhay? …

Hindi [tayo] dapat umasang mauunawaan natin ang lahat ng bagay bago tayo kumilos. Hindi iyan pananampalataya. … Kung hihintayin muna nating masagot ang ating mga tanong bago tayo kumilos, labis nating nililimitahan ang mabuting bagay na maisasakatuparan natin, at nililimitahan natin ang kapangyarihan ng ating pananampalataya. …

Kinakaya ng pananampalataya ang mga pagsubok at kawalang-katiyakan ng buhay dahil matibay na nakaugat ito kay Cristo at sa Kanyang doktrina. Si Jesucristo, at ang ating Ama sa Langit na nagsugo sa Kanya, ay magkasamang hindi lumilihis, ganap na maaasahang mga nilalang na mapag-uukulan ng ating tiwala. …

Taos-puso kong dalangin at basbas na nawa’y patuloy nating pangalagaan ang mga ugat ng ating pananampalataya sa Tagapagligtas, sa Kanyang doktrina, at sa Kanyang Simbahan.