Sesyon sa Linggo ng Hapon
Ang Panginoong Jesucristo ay Paparitong Muli
Mga Sipi
Talagang minamadali na ng Panginoon ang Kanyang gawain.
Bakit tayo nagtatayo ng mga templo sa bilis na hindi pa nangyari kailanman? Bakit? Dahil iniutos sa atin ng Panginoon na gawin iyon. Ang mga pagpapala ng templo ay tumutulong sa pagtitipon ng Israel sa magkabilang panig ng tabing. Tumutulong din ang mga pagpapalang ito na ihanda ang mga tao na tutulong sa paghahanda ng mundo para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon! …
Narito ang pangako ko sa inyo: Bawat taos-pusong naghahanap kay Jesucristo ay matatagpuan Siya sa templo. …
Nalaman ko na ang pinakamahalagang tanong na dapat sagutin ng bawat isa sa atin ay ito: Kanino o para sa ano ko ibibigay ang aking buhay?
Ang desisyon kong sundin si Jesucristo ang pinakamahalagang desisyon na ginawa ko. … Nakatulong din ito sa akin na makayanan ang mga unos ng buhay. …
Hinihikayat ko kayo na maglaan ng oras bawat linggo—sa nalalabing panahon ng inyong buhay—na dagdagan ang inyong pag-unawa sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. …
Pinasan ni Jesucristo sa Kanyang sarili ang inyong mga kasalanan, ang inyong mga pasakit, ang inyong pighati, at ang inyong mga kahinaan. Hindi ninyo kailangang pasanin ang mga ito nang mag-isa! …
Hindi napakaaga o napakahuli para maging tapat kayong disipulo ni Jesucristo. …
Ang pinakamainam ay [p]arating pa [lamang], mahal kong mga kapatid, dahil muling paparito ang Tagapagligtas! Ang pinakamainam ay [p]arating pa [lamang] dahil minamadali ng Panginoon ang Kanyang gawain. Ang pinakamainam ay [p]arating pa [lamang] kapag lubos nating ibinaling ang ating puso at buhay kay Jesucristo.