Sesyon sa Sabado ng Umaga
“Ito ang Aking Ebanghelyo”—“Ito ang Aking Simbahan”
Mga Sipi
Tulad ng dinamita na kung walang nitroglycerin ay karaniwan lamang ito, ang Simbahan ng Tagapagligtas ay katang-tangi lamang kung ito ay nakatayo sa Kanyang ebanghelyo. Kung wala ang ebanghelyo ng Tagapagligtas at ang awtoridad na pangasiwaan ang mga ordenansa nito, hindi na natatangi ang Simbahan.
Kung wala ang nakapagpapa-stabilize na epekto ng kieselguhr, limitado lang ang bisa ng nitroglycerin bilang pampasabog. Tulad ng nasaksikan sa kasaysayan, kung wala ang Simbahan ng Panginoon, ang pagkaunawa ng sangkatauhan sa Kanyang ebanghelyo ay hindi rin matatag—madaling malihis sa doktrina at maimpluwensiyahan ng iba’t ibang relihiyon, kultura, at pilosopiya. …
Sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay naa-access natin ang kapangyarihan ng Diyos dahil binigyan Niya ito ng pahintulot na ituro kapwa ang doktrina ni Cristo at ialay ang nakaliligtas at nakadadakilang mga ordenansa ng ebanghelyo. Nais ng Tagapagligtas na patawarin ang ating mga kasalanan, tulungan tayong magamit ang Kanyang kapangyarihan, at baguhin tayo. Nagdusa Siya para sa ating mga kasalanan at inaasam na patawarin tayo mula sa kaparusahang nararapat sana nating matanggap. Nais Niyang maging banal tayo at maging ganap sa Kanya. …
Inaanyayahan ko kayong mas lubos na ilaan ang inyong sarili sa Tagapagligtas, sa Kanyang ebanghelyo, at sa Kanyang Simbahan. Sa paggawa ninyo nito, malalaman ninyo na ang kumbinasyon ng ebanghelyo ng Tagapagligtas at ng Kanyang Simbahan ay magdudulot ng kapangyarihan sa inyong buhay. Ang kapangyarihang ito ay lubhang nakahihigit kaysa dinamita. Dudurugin nito ang mga bato sa inyong daraanan, babaguhin kayo at gagawing tagapagmana sa kaharian ng Diyos. At kayo ay “[mapupuspos] ng yaong hindi maipaliwanag na kagalakan at puspos ng kaluwalhatian” [Helaman 5:44].