Sesyon sa Sabado ng Gabi
Ang Kagalakan ng Ating Pagkakatubos
Mga Sipi
Ang pagsisisi ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong madama ang pagmamahal ng Diyos at makilala at mahalin Siya sa mga paraan na hindi natin malalaman kailanman sa ibang paraan. …
Alam ko na ang ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo ay makapangyarihan para magligtas. …
May mga pagkakataon na maaaring madama ninyo na imposibleng matubos kayo, na marahil hindi kayo sakop ng pagmamahal ng Diyos at ng nagbabayad-salang kapangyarihan ng Tagapagligtas dahil sa mga pinagdaraanan ninyo o dahil sa nagawa ninyo. Ngunit pinatototohanan ko na hindi kayo napakalayo para hindi maabot ng Guro. …
Kapag ipinamumuhay natin ang ating mga tipan, maibibigay sa atin ng Panginoon ang tulong at kapangyarihan na kailangan natin para makilala at madaig ang ating mga kahinaan, kabilang na ang espirituwal na [parasito o limatik na] kapalaluan. …
… Ang kailangan nating pagpapagaling at tulong ay hindi pabigat sa Kanya, kundi ang mismong dahilan kung bakit Siya pumarito. …
Nakikita kayo ng ating Ama sa Langit at ng Tagapagligtas. Alam Nila ang nasa puso ninyo. May malasakit Sila sa mga bagay na mahalaga sa inyo, pati na sa mga mahal ninyo sa buhay. …
Kung nahihirapan kayo sa isang sitwasyon na sa inyong palagay ay dapat [na ninyong napagtagumpayan], huwag sumuko. Maging mapagpasensya sa inyong sarili, tuparin ang inyong mga tipan, madalas na magsisi, humingi ng tulong sa inyong mga lider kung kinakailangan, at malimit na pumunta sa bahay ng Panginoon hangga’t kaya ninyo. Makinig at pakinggan ang mga pahiwatig na Kanyang ipinararating sa inyo. Hindi Niya tatalikuran ang Kanyang [pakikipagtipan] sa inyo. …
Bawat araw ay isang bagong araw na puno ng pag-asa at mga posibilidad dahil kay Jesucristo.