“Ang Pagsisisi ay Tungkol sa Pagmamahal,” Kaibigan, Abril 2026, 20–21.
Ang Pagsisisi ay Tungkol sa Pagmamahal
Hango sa “Ang Inyong Pagsisisi ay Hindi Nagpapabigat kay Jesucristo; Lalo Siyang Nagagalak Dito,” Liahona, Mayo 2025, 90–92.
Sinabing minsan ni Pangulong Russell M. Nelson (1924–2025) na, “Mahal tayo ng Tagapagligtas tuwina pero lalo na kapag nagsisisi tayo.”
Kaya kapag sinasabi ng Panginoon na, “Magsisi kayo, magsisi kayo,” isipin ninyo na sinasabi Niyang, “Mahal ko kayo. Mahal ko kayo.” At kapag nagsisisi kayo, sinasabi rin ninyo sa Kanya na mahal niyo rin Siya.
Pagsisisi ang ating pinakamagandang balita! Isipin ang inyong paboritong imahe ni Cristo. Ngayon isipin na kunwari ay masaya Siyang nakangiti sa tuwing gagamitin ninyo ang Kanyang regalo. Ang inyong pagsisisi ay nagpapaliwanag sa Kanyang kagalakan!
Ang paglapit kay Cristo ay parang pagsasabi ng, “Tutulungan po ba Ninyo ako?” Nagtitiwala ka sa Kanyang kapangyarihan na tulungan ka dahil alam mong mahal ka Niya.
Kaya subukan ito. Ngayong gabi, bago ka manalangin, isipin na malapit lamang si Jesucristo. Itanong sa iyong sarili, “Ano ang sasabihin ni Jesus sa Ama sa Langit tungkol sa akin?”
At pagkatapos ay makinig.
Pakinggan ang tinig na iyon na nagsasabi ng magagandang bagay tungkol sa iyo—ang tinig ni Jesucristo, ang iyong pinakamatalik na kaibigan, at ng iyong Ama sa Langit, na talagang nariyan. Tandaan, ang Kanilang pagmamahal at ang iyong halaga ay laging malaki, anuman ang mangyari!
Isang Huwaran ng Pagmamahal
Hanapin ang pattern ng mga puso sa larawan. Ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa ino ay palaging nariyan!
Mga paglalarawan ni Nicole Walkenhorst