“Ang Katuwang ni Lola sa Araw ng Linggo,” Kaibigan, Abr. 2026, 30–31.
Ang Katuwang ni Lola sa Araw ng Linggo
Isang kuwento sa tunay na buhay mula sa South Africa.
Gustung-gusto ni Aurora ang araw ng Linggo. Nabibisita niya ang bahay ng kanyang Lola.
Gustong maglaro ni Aurora ng tagu-taguan. Itinanong ni Inay kung puwede muna siyang tumulong sa pag-bake ng cake.
Alam ni Aurora na gustung-gusto ni Lola ang lemon cake. Gusto niyang tumulong para mapasaya si Lola.
Habang gumagawa sila, sinabi ni Aurora kay Lola ang natutuhan niya sa Primary.
Sa wakas, naglaro sina Aurora at Lola ng tagu-taguan! “Gustung-gusto ko ang araw ng Linggo dahil may katuwang ako,” sabi ni Lola.
“Paano po ako nakatulong sa inyo? Naglalaro lang naman po tayo,” sabi ni Aurora.
“Tumutulong ka kapag nag-uukol ka ng oras sa akin at ipinapakita mo na mahal mo ako!” sabi ni Lola.
Mga paglalarawan ni Samantha Windley. Maaari lamang kopyahin para sa mga gawain sa Simbahan.