“Hello mula sa Norway!” Kaibigan, Abril 2026, 8–9.
Hello mula sa Norway!
Ang Norway ay isang bansa sa Hilagang Europa. Ito ay sikat sa magagandang natural na tanawin nito. Mahigit 5.5 milyong katao ang naninirahan doon. Ang mga opisyal na wika ay Norwegian at Sámi.
Hatinggabing Sikat ng Araw
May mga bahagi ang Norway na patuloy ang sikat ng araw sa summer o tag-init. Habang papunta kayo sa hilaga, mas tumatagal ang sikat ng araw. Sa taglamig, ang araw kung minsan ay nananatili sa ibaba ng abot-tanaw, kaya madilim ang mga araw.
Reindeer o Usa
Ang Norway ay tahanan ng maraming reindeer o usa. Ito ang may pinakamalaking kawan ng mga ligaw na reindeer o usa sa Europa, at mahigit 200,000 ang inaalagaan sa mga kawan sa mga bukirin.
Mga Atleta sa Olympics
Ang mga atletang Norwegian sa Winter Olympics ay nanalo ng mas maraming medalya kaysa sa mga atleta mula sa ibang bansa.
Napakagandang mga Fjord
Noong unang panahon, humubog ang mga glacier sa Norway ng mahaba at malalim na mga lambak na hugis-U na tinatawag na mga fjord. Ang mga fjord na ito ay puno ng tubig-alat at napakagaganda.
Ang Sámi
Ang Sámi ay mga katutubo sa Hilagang bahagi ng Norway, Sweden, Finland, at bahagi ng Russia.
Mga larawang-guhit ni Valeria Danilova Maaari lamang kopyahin para sa mga gawain sa Simbahan.