“Ang Paskua,” Kaibigan, Abril 2026, 46–48.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ang Paskua
Nagpunta si Moises kay Faraon at hiniling sa kanya na palayain ang mga aliping Israelita. Tumanggi si Faraon. Nagpadala ang Panginoon ng mga salot sa Egipto, pero hindi pa rin pumayag si Faraon.
Sinabi ng Panginoon na magpapadala Siya ng huling salot. Ang panganay na anak ng bawat pamilya sa Egipto ay mamamatay. Ngunit kung susundin ng mga Israelita ang Kanyang mga tagubilin, lalampasan sila ng salot.
Sinabi ng Panginoon sa mga Israelita na mag-alay ng isang lalaking kordero na walang kapintasan at ipahid ang dugo nito sa hamba ng kanilang mga pinto.
Dumating ang salot. Lahat ng panganay ng Egipto ay namatay, kabilang ang anak ni Faraon. Ngunit ang mga panganay ng Israelita ay naligtas dahil sinunod nila ang Panginoon.
Sinabi ni Faraon kay Moises at sa mga Israelita na umalis sa Egipto. Pero galit ang Faraon. Hinabol niya at ng kanyang hukbo ang mga Israelita.
Nagkampo ang mga Israelita sa dalampasigan ng Dagat na Pula. Nang makita nila na dumarating ang mga taga-Egipto, natakot sila. Sinabi ni Moises na poprotektahan sila ng Panginoon.
Itinaas ni Moises ang kanyang tungkod, at hinati ng Panginoon ang dagat. Tumawid ang mga Israelita sa tuyong lupa.
Nang ligtas na ang mga Israelita sa kabilang panig ng dagat, bumagsak ang tubig at nalunod ang hukbo. Sa wakas ay malaya na ang mga Israelita.