“Paglakad na Kasama ng Tagapagligtas,” Kaibigan, Abril 2026, 2–3.
Mula sa Unang Panguluhan
Paglakad na Kasama ng Tagapagligtas
Hango sa “Magsilapit sa Akin,” Liahona, Mayo 2025, 24–28.
Sa unang gabi ng Pasko ng Pagkabuhay, dalawang disipulo ang naglakad mula Jerusalem sa daan papuntang Emaus. Nagpakita ang nabuhay na muling Panginoon at lumakad na kasama nila. Pero hindi nila Siya nakilala. Hindi nila alam na Siya ay nabuhay nang muli.
Sinabi nila sa Kanya ang kalungkutan nila na namatay si Jesus. Habang papalapit sila sa nayon, sinabi ng mga disipulo, “Tumuloy ka sa amin, sapagkat gumagabi na, at lumulubog na ang araw” (Lucas 24:29).
Tinanggap ng Tagapagligtas ang kanilang imbitasyon. Dumampot Siya ng tinapay, binasbasan iyon, pinagputul-putol iyon, at ibinigay iyon sa kanila. Natanto ng mga disipulo kung sino Siya. At Siya ay naglaho.
Nagmadaling bumalik sa Jerusalem ang dalawang disipulo para ikuwento sa mga Apostol ang nangyari. Habang ikinukuwento nila ang naranasan nila, muling nagpakita ang Tagapagligtas. Sabi Niya, “Sumainyo ang kapayapaan” (Lucas 24:36).
Saksi ako sa Pagkabuhay na Muli ng Panginoon na para bang naroon ako mismo na kasama ang dalawang disipulo sa bahay sa tabi ng daan papuntang Emaus. Alam ko na Siya ay buhay.
Ang Aking Patotoo Tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay
Gupitin ang bookmark at isulat ang iyong patotoo sa mga blangko.
Alam ko na si Jesucristo ay …
Espesyal sa akin ang Pasko ng Pagkabuhay dahil …
Kapag iniisip ko si Jesus, pakiramdam ko ay …
Mga larawang-guhit ni Maddie Baker. Maaari lamang kopyahin para sa mga gawain sa Simbahan.