“Pagkain & Katuwaan,” Kaibigan, Abril 2026, 12–13.
Pagkain & Katuwaan
Ito o Iyon?
Basahin ang mga banal na kasulatang ito sa Lumang Tipan at itanong sa mga kaibigan mo at kapamilya ang nakakatuwang mga tanong na ito. Pagkatapos ay sikaping mag-isip ng sarili mong mga tanong!
Inutusan ng Ama sa Langit sina Eva at Adan na pangalagaan ang lupain at mga hayop (tingnan sa Genesis 1:26).
Mas gusto mo bang pangalagaan ang isang hardin o ang isang alagang hayop?
Matapos hatiin ni Moises ang Dagat na Pula, nagsayawan at nagkantahan ang mga Israelita para pasalamatan ang Panginoon sa pagpapalaya sa kanila mula sa Egipto (tingnan sa Exodo 15:1, 20).
Mas gusto mo bang matuto ng isang sayaw o ng isang awitin?
Inutusan ng Panginoon si Noe na magdala ng tigdadalawa ng bawat uri ng hayop sa loob ng arka (tingnan sa Genesis 6:19).
Mas gusto mo bang alagaan ang isang higanteng ahas o ang isang napakalaking oso?
Nang sikapin ng mga tao na makarating sa langit sa pamamagitan ng pagtatayo ng Tore ng Babel, binago ng Diyos ang kanilang mga wika para hindi nila maunawaan ang isa’t isa (tingnan sa Genesis 11:7).
Mas gusto mo bang masalita ang bawat wika o magsulat sa bawat wika?
Tinulungan ng Panginoon si David na matalo si Goliat dahil sa pananampalataya ni David, kahit hindi kasinglaki o kasinglakas si David ni Goliath (tingnan sa 1 Samuel 17:45–49).
Mas gusto mo bang maging sobrang lakas ka o sobrang bilis?
Hulaan sa Lumang Tipan
Pumili ng isang tao sa Lumang Tipan mula sa listahan sa ibaba. Huwag sabihin kahit kanino kung sino ito! Sabihin sa iba na magbigay ng tanong na masasagot ng oo o hindi (tulad ng, “Propeta ba siya?”) para mahulaan kung sino ang pinili mo. Maghalinhinan at orasan kung gaano ito kabilis mahuhulaan. Sino man ang pinakamabilis na makahula pagkatapos ng tatlong round ang mananalo!
-
Jose
-
David
-
Moises
-
Noe
-
Ruth
-
Jonas
-
Reyna Esther
-
Isaac
-
Daniel
Meryendang Parang Barbeque
Isaayos ang mga paborito ninyong meryenda sa isang barbeque stick. Maaaring kailangan mo ng tulong ng isang magulang. Subukan ang nakakatuwang mga kumbinasyong ito!
-
Mga ubas, strawberry, cheddar cheese cube
-
Maliliit na kamatis, pipino, mga bell pepper
-
Naka-fold na pepperoni, mozzarella cheese balls, mga olive