“Pagsunod kay Jesus sa Norway,” Kaibigan, Abril 2026, 10–11.
Pagsunod kay Jesus sa Norway
Kilalanin si Olivia
Sinusunod ni Olivia si Jesucristo sa pamamagitan ng pagpaparamdam sa iba na sila ay kabilang. Noong binabalewala ng iba ang kanyang kaibigan, sinikap ni Olivia na maging mapagmahal na kaibigan. “Sinabi ko sa kanya na puwede siyang sumama at makipaglaro sa akin, at pagkatapos ay nagsimula siyang maging mas masaya,” sabi ni Olivia.
Sinusunod din ni Olivia si Jesus sa pamamagitan ng pag-alaala sa Kanya sa Pasko ng Pagkabuhay. Sabi niya, “Si Jesus ay ipinako sa krus para sa atin at maaari sana Niya itong pigilan, pero hindi Niya ito ginawa dahil mahal Niya tayo. Pinili Niyang gawin ito. Talagang gusto ko ang Pasko ng Pagkabuhay dahil isa ito sa pinakamahahalagang pagdiriwang sa lahat.”
Tungkol kay Olivia
Edad: 8
Mula sa: Akershus, Norway
Mga Wika: Norwegian at English
Mga Mithiin: 1) Mapunta sa kahariang selestiyal. 2) Maging mahusay sa paggawa ng mga bagay gamit ang kanyang mga kamay, tulad ng knitting, pananahi, woodshop, at mga craft.
Mga Libangan: Knitting, pagtugtog ng flute, pagbe-bake, paggawa ng mga craft, drowing, paglalaro, at paghahalaman
Pamilya: Olivia, mas batang kapatid na lalaki at babae, Inay, Itay
Mga Paborito ni Olivia
Kuwento sa banal na kasulatan: Mateo 9:18–19, 24–25, nang pagalingin ni Jesus ang anak ni Jairo, dahil ipinapakita nito na matutulungan Niya tayo nang husto
Tradisyon ng Pamilya: Paggawa ng mga treat sa mga kapitbahay para sa Pasko ng Pagkabuhay at sa Pasko
Pagkain mula sa Inyong Bansa: Medisterkaker (mga spiced pork patty) o torsk (puting isda na may sauce at gisantes)