“Sa Landas ng Tipan,” Kaibigan, Abril 2026, 36-37.
Sa Landas ng Tipan
1. Sasapit ang araw, mabibinyagan ako.
Susundin ko si Cristo, S’ya’y tutularan ko.
‘Pag nabinyagan na, mangangako sa Kanya:
Na tama’y pipilii’t aakayin ang iba.
Koro: Sa landas ng tipan ay binyag ang simula
Patungo sa Ama at lahat ng mayro’n S’ya.
Ngalan ni Cristo’y tataglayin, landas N’ya’y susundan,
Sa aking araw-araw na pagsunod sa utos N’ya.
2. Ako’y mabibilang sa kawan ng D’yos Ama.
At ang tipang ito’y may pangakong kasama.
O, kayligayang pagsalig ko’y lalago.
Mapapayapa kay Cristo ‘pag naglingkod ako.
Koro
3. Pakikinggang lagi tinig ng Espiritu.
Kapag nagkakasala’y magsisisi ako.
Ako’y tutulungan N’ya sa ‘king pagpapas’ya;
Mananalig, tatanggapin ang sakramento N’ya.
Koro