Kaibigan
Inililigtas Tayo ni Jesucristo
Abril 2026


“Inililigtas Tayo ni Jesucristo,” Kaibigan, Abril 2026, 16.

Inililigtas Tayo ni Jesucristo

Hango sa “Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ang Nagkakaloob ng Dakilang Pagsagip,” Liahona, Mayo 2025, 17–20.

Sa pangkalahatang kumperensya noong nakaraang taon, sinabi ni Elder Quentin L. Cook na kahit nabubuhay tayo sa isang magandang mundo, lahat tayo ay nahaharap sa malalaking hamon. Pero kapag bumaling tayo kay Jesucristo, maaari Niya tayong sagipin at tulungan. Inanyayahan tayo ni Elder Cook na magpokus sa Tagapagligtas at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo sa Pasko ng Pagkabuhay. Sinabi niya na si Jesucristo ay nagbibigay ng pag-asa at liwanag sa mga panahon na tila madilim at mapanglaw.

Pag-aralan Ito

Sinasabi sa Mosias 16:7 na nilagot ni Jesucristo ang mga gapos ng ano?

  1. Kamatayan

  2. Pangamba, takot

  3. Lubid

  4. Pasko ng Pagkabuhay

Dahil kay Jesucristo, magagawa nating …

  1. Magsisi kapag nakakagawa tayo ng maling pagpili.

  2. Mabuhay na muli pagkatapos nating mamatay.

  3. Maging mas mabuti sa tulong Niya.

  4. Lahat ng nabanggit

PDF ng pahina na may paglalarawan ng batang lalaki na nasa higaan na nakatingin sa larawan ni Jesucristo

Mga larawang-guhit ni Hollie Hibbert. Maaari lamang kopyahin para sa mga gawain sa Simbahan.