“Ang Aming mga Ideya sa Pasko ng Pagkabuhay,” Kaibigan, Abril 2026, 17.
Ang Aming mga Ideya sa Pasko ng Pagkabuhay
Pinanood namin ng klase ko sa Primary ang Kaibigan sa Kaibigan kung saan nagbigay ng mensahe sina Elder at Sister Bednar tungkol sa paglilingkod. Gusto naming magplano ng sarili naming aktibidad sa paglilingkod.
Nagmiting ang aming Valiant 10 class pagkatapos ng simba para magplano at nakaisip kami ng maraming iba’t ibang ideya. Matapos pag-usapan ang lahat ng mga ideya, nagpasiya kaming gumawa ng mga Easter bag para sa mga batang kapus-palad sa Pasko ng Pagkabuhay.
Gumawa kami ng mga kaklase ko ng mga flyer, at pagsapit ng Linggo ay ipinamigay namin ang mga ito at sinabi namin sa lahat ang tungkol sa aktibidad. Naghatid din kami ng mga flyer sa mga bahay.
Nang malaman na ng lahat ang tungkol dito, naglabas kami ng mga kahon para sa mga donasyon na lalagyan ng mga tao ng mga ibibigay nila para sa mga Easter bag. Pagkaraan lamang ng ilang araw, marami na kaming item!
Sa wakas ay nagawa na namin ang aktibidad. Ako ang nabigay ng pambungad na panalangin at hiniling sa Ama sa Langit na basbasan ang mga bata na makakakuha ng mga bag na malaman kung gaano kalaki ang pagmamahal na inilagay namin sa mga ito. Pagkatapos ay kumilos na kami. Nilagyan namin ng dekorasyon ang mga bag gamit ang mga marker at sticker, at pinuno ng regalog ang mga ito. Nakagawa kami ng mahigit 100 mga Easter bag! Nadama ko na sinasabi sa akin ng Espiritu Santo na masaya ang Ama sa Langit at si Jesucristo.
Alam ko na tama ang ginawa ng klase ko sa Primary sa pagtulong sa iba pang mga bata. Alam kong ipinagmamalaki kami ng Ama sa Langit at ni Jesus. At hinihikayat ko ang lahat na maglingkod sa iba.
Paglalarawan ni Alyssa M. Gonzalez Maaari lamang kopyahin para sa mga gawain sa Simbahan.