Kaibigan
Lingguhang Kasayahan sa Banal na Kasulatan
Abril 2026


“Lingguhang Kasayahan sa Banal na Kasulatan,” Kaibigan, Abril 2026, 41–44.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Lingguhang Kasayahan sa Banal na Kasulatan

Marso 30–Abril 5

Pasko ng Pagkabuhay

Paglalarawan sa batang lalaki na may thought bubble na naglalaman ng isang araw, isang pamilya, mga liryo sa Pasko ng Pagkabuhay, at isang gusali ng simbahan
Paglalarawan sa mga batang gumagawa ng mga craft gamit ang papel sa mesa

Awitin:Getsemani” (Mga Himno—para sa Tahanan at sa Simbahan, blg. 1009)

Banal na Kasulatan: Mateo 26:36–46

Aktibidad: Gawin ang buklet sa pahina 24. May naiisip ba kayong iba pang mga pagpapala na mayroon tayo dahil kay Jesucristo? Ano ang isang bagay na magagawa ng inyong pamilya para makatuon kay Jesus sa buong taon?

Magbigay ng Panalangin:

Pamunuan ang Awitin:

Magbasa ng Banal na Kasulatan:

Ibigay ang Lesson:

Abril 6–12

Exodo 7–13

Makinig sa Diyos at sa Kanyang mga Propeta

Paglalarawan sa mga tao mula sa sinaunang Egipto na tumatakbo palayo sa mga palaka

Awitin:Halina, Tinig ng Propeta’y Dinggin” (Mga Himno, blg. 14)

Banal na Kasulatan: Exodo 8:1–6

Aktibidad: Hindi nakinig ang Faraon kay Moises, na ibig sabihin ay hindi rin siya nakikinig sa Diyos. Kaya nagpadala ang Diyos ng mga salot para subukan kung magpapakumbaba siya upang makinig. Isa sa mga salot na ipinadala Niya ay mga palaka. Nagkalat ang mga palaka sa lahat ng dako! Sa kasunod na pahina, subukang hanapin ang mga taong nagtatago sa mga palaka. Magsalitan sa pagtatakda ng oras sa inyong sarili para makita kung sino ang pinakamabilis sa paggawa ng aktibidad. Paano ninyo sinusunod ang propeta?

Magbigay ng Panalangin:

Pamunuan ang Awitin:

Magbasa ng Banal na Kasulatan:

Ibigay ang Lesson:

Paghuli ng Palaka

Paglalarawan sa isang grupo ng mga tao sa isang sinaunang lungsod ng Egipto na nagtatago sa nagkalat na mga palaka sa lahat ng dako

Abril 13–19

Exodo 14–18

Ang mga Propeta ay May Kapangyarihan mula sa Diyos

Paglalarawan sa isang paper craft ng Dagat na Pula na may ginupit na mga larawan sa pagitan ng mga haligi ng tubig

Awitin:Propeta’y Sundin,” taludtod 5 (Aklat ng mga Awit Pambata, 110)

Banal na Kasulatan: Exodo 14:5–22

Aktibidad: Gumawa ng craft na magpapaalala sa inyo na tinulungan ng Diyos si Moises na hatiin ang Dagat na Pula para makatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa. Gupitin sa kalahati ang isang asul na papel hanggang sa dulo. Sa mahabang gilid ng bawat piraso ng asul na papel, gumupit ng hiwa na 1 pulgada (2.5 cm) ang lapad hanggang sa dulo. Idikit ang dalawang piraso ng asul na papel sa isa pang piraso ng papel na nasa loob ang gilid na may mga hiwa. Pagkatapos ay kumuha ng lapis at irolyo rito ang mga hiwa ng papel upang kumulot ang mga ito na parang mga alon! Panghuli, pumunta sa pahina 49. Gupitin at idikit si Moises at ang mga Israelita sa gitna ng papel.

Magbigay ng Panalangin:

Pamunuan ang Awitin:

Magbasa ng Banal na Kasulatan:

Ibigay ang Lesson:

Abril 20–26

Exodo 19–20; 24; 31–34

Ang Sampung Utos

Paglalarawan kay Moises na hawak ang mga tapyas na bato

Awitin:Mga Kautusan sa Tuwina ay Sundin” (Mga Himno, blg. 191)

Banal na Kasulatan: Exodo 20:3–17

Aktibidad: Isulat ang Sampung Utos sa mga piraso ng papel. Magsalitan sa pagpili ng isa at pag-isipan ang mga paraan para maalala ito. Maaari kayong gumawa ng isang kanta, gumawa ng mga aksiyon gamit ang inyong mga kamay, o magdrowing ng mga larawan! Pagkatapos ay subukan kung ilan ang maaalala ninyo nang hindi tumitingin sa inyong listahan.

Magbigay ng Panalangin:

Pamunuan ang Awitin:

Magbasa ng Banal na Kasulatan:

Ibigay ang Lesson:

Pahina ng PDF 1

Mga paglalarawan ni Audrey Day. Maaari lamang kopyahin para sa mga gawain sa Simbahan.