“Si Noe at ang Arka,” Kaibigan, Pebrero 2026, 46–48.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Si Noe at ang Arka
Si Noe at ang kanyang pamilya ay sumunod sa Panginoon. Ang lahat ng iba pang tao ay napakasama na. Sinabi ng Panginoon kay Noe na ilulubog ang mundo sa baha kung hindi magsisisi ang mga tao.
Sinabi ni Noe sa mga tao na mahal sila ng Panginoon at nais niya silang magsisi at manampalataya kay Jesucristo. Ayaw nilang makinig.
Iniutos ng Panginoon kay Noe na gumawa ng isang malaking barko na tinatawag na arka. Pananatilihing ligtas ng arka ang pamilya ni Noe habang may pagbaha.
Nagdala ng pagkain sa arka ang pamilya ni Noe. Nagpadala ang Panginoon ng tigdadalawang hayop mula sa bawat uri na ilalagay si Noe sa loob ng arka. Pagkatapos ay nagsimulang umulan.
Umulan nang 40 araw at 40 gabi. Isang baha ang nagpalubog sa mundo, tulad ng babala ng Panginoon.
Ang pamilya ni Noe at ang lahat ng hayop sa arka ay ligtas na nakalutang sa tubig.
Nang mapawi ang baha, dumaong ang arka sa tuyong lupa. Nagpasalamat si Noe at ang kanyang pamilya sa Panginoon sa pagprotekta sa kanila. Nangako ang Panginoon na hindi na muling babalutin ng baha ang mundo. Nagpadala siya ng bahaghari bilang paalaala ng Kanyang pangako.