Kaibigan
Sakramento sa Sahara
Pebrero 2026 Kaibigan


“Sakramento sa Sahara,” Kaibigan, Pebrero 2026, 20–21.

Sakramento sa Sahara

Paglalarawan ng isang batang babaeng nakaluhod sa tabi ng mesa na may isang basong tubig at isang plato na may maliliit na piraso ng tinapay

Noong bata pa si Isabelle, nagtrabaho ang tatay niya sa French military. Maraming beses na lumipat noon ng tirahan ang pamilya nila. Noong walong taong gulang siya, lumipat sila sa Sahara Desert. Walang ibang miyembro ng Simbahan sa malapit, kaya humingi sila ng pahintulot na magdaos ng sakramento sa kanilang tahanan.

Tuwing Linggo, nagtitipon si Isabelle at ang kanyang pamilya sa sala at kumakanta ng mga himnong isinaulo nila. Binasbasan ng tatay niya ang tinapay at tubig para sa sakramento. Pagkatapos ay nagsalitan ang kanyang mga magulang at kapatid sa pagbibigay ng mensahe.

Ipinakita nito kay Isabelle kung gaano kahalagang ipamuhay ang ebanghelyo. Dahil malayo ang tirahan nila sa iba pang mga miyembro ng Simbahan, walang makakaalam kung tumigil sila sa pagdaraos ng pulong ng simbahan sa bahay nila sa araw ng Linggo. Pero pinili nilang gawin ang tama.

Makalipas ang dalawang taon, bumalik sila sa France, kung saan mas marami ang mga miyembro ng Simbahan. Nabinyagan si Isabelle. Ang makitang ipinamumuhay ng kanyang mga magulang ang ebanghelyo sa Sahara Desert ay nakatulong sa kanyang patotoo na magsimulang lumago. Binigyan siya nito ng pananampalataya sa Diyos na gawin ang tama, kahit walang nakamasid.

Nangangako kami na saan ka man nakatira sa mundo, alam ng Ama sa Langit ang nangyayari sa iyo! Mahal ka Niya at gusto Niyang tulungan ka na maging lalong katulad Niya.

Nanliliit sa Malaking Disyerto

Ang Sahara Desert ang pinakamalaking mainit na disyerto sa mundo! Maaaring madaling makadama ng panliliit sa malaking lugar. Pero hindi tayo kailanman nalilimutan ng Diyos at maaari natin Siyang makasama sa tuwina. Mahahanap mo ba ang mga tagpo sa itaas ng larawan?

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Katie Kear