Kaibigan
Hello mula sa Chile!
Pebrero 2026 Kaibigan


“Hello mula sa Chile!” Kaibigan, Pebrero 2026, 8–9.

Hello mula sa Chile!

Ang Chile ay nasa kanlurang baybayin ng South America. Halos 20 milyong tao ang naninirahan doon. Ang opisyal na wika ng Chile ay Spanish.

Mahaba at Payat

Ang Chile ay isa sa pinakamahahabang bansa sa mundo! Umaabot ito ng mahigit 2,650 milya (4,265 km) mula hilaga hanggang timog at may karaniwang lapad lamang na mga 110 milya (175 km).

Napakalakas na Lindol

Ang pinakamalakas na lindol na naitala (9.5 sa Richter scale) ay nangyari malapit sa Valdivia, Chile.

Tuyong Disyerto

Ang Atacama Desert sa hilagang Chile ay isa sa mga pinakatuyong disyerto sa mundo. Ang ilang bahagi nito ay hindi kailanman nagkaroon ng ulan.

Mga Penguin!

Ang Chile ay tahanan sa ilang iba’t ibang uri ng mga penguin, kabilang ang Humboldt, Magellanic, southern rockhopper, at king penguin.

Easter Island

Ang Easter Island ng Chile ay may halos 1,000 malalaking eskulturang gawa sa bato ng bulkan. Ang mga ito ay tinatawag na moai, at nalikha ang mga ito daan-daang taon na ang nakalipas.

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Tracy Walker