“Ang Aking Binyag,” Kaibigan, Pebrero 2026, 17.
Ang Aking Binyag
Noong nakaraang tag-init, nabinyagan ako. Maligamgam ang tubig. Nang iahon ako ng tatay ko mula sa tubig, maganda ang naging pakiramdam ko. Pinatotohanan ng Espiritu Santo na ginagawa ko ang nais ipagawa sa akin ng Ama sa Langit. Napakasaya ko.
Nang mabinyagan ako, gumawa ako ng tipan, o nakipagtipan ako, sa Ama sa Langit na susundin ko Siya at susundin ko ang Kanyang mga kautusan. Nangako Siyang tutulungan at gagabayan ako sa pamamagitan ng kaloob na Espiritu Santo.
Pagkatapos ng binyag ko, tinanggap ako ng bishop bilang miyembro ng Simbahan at tinuruan ako ng isang lesson. Hiniling niyang tumuntong ako sa silya at tingnan ang larawan ni Jesucristo na nakasabit sa dingding. Nakikita ko rin ang sarili ko sa salamin ng frame ng larawan. Itinuro nito sa akin na palagi kong makakasama si Jesus kapag kailangan ko Siya.
Alam kong ang pagpapabinyag ay isang napakagandang bagay. Tuwang-tuwa ako na nagpasiya akong magpabinyag, at alam kong magiging masaya ka kung gagawin mo rin ito!
Larawang-guhit ni Simona Love