“Ikaw ay Isang Disipulo!” Kaibigan, Pebrero 2026, 16.
Ikaw ay Isang Disipulo!
Hango sa “Sa Pamamagitan Nito ay Makikilala ng Lahat ng mga Tao na Kayo ay Aking mga Alagad,” Liahona, Mayo 2025, 51–53.
Sa pangkalahatang kumperensiya noong Abril, nagkuwento si Elder Uchtdorf tungkol sa pag-anyaya sa isang kaibigan na magsimba sa unang pagkakataon. Nag-alala si Elder Uchtdorf na baka hindi siya magkaroon ng magandang karanasan dahil hindi perpekto ang simbahan. Pero sinabi niya na maganda ito. Humanga siya sa paraan ng pakikitungo ng mga miyembro ng Simbahan sa isa’t isa nang may pagmamahal. Sinabi ni Elder Uchtdorf na kapag mahal natin ang isa’t isa, makikita ng iba na tayo ay mga disipulo ni Jesucristo.
Pag-aralan Ito
Ano ang kautusan ang ibinigay ni Jesucristo sa Juan 13:34–35?
-
manalangin tuwina
-
anyayahan ang mga tao na magsimba
-
panatilihing banal ang Araw ng Sabbath
-
magmahalan
Ano ang ibig sabihin ng maging disipulo ni Jesucristo?
-
Maging perpekto sa lahat ng oras
-
Sundin Siya at paglingkuran ang iba
-
Mabuhay sa panahon na nabuhay Siya sa lupa
-
Isaulo ang bawat banal na kasulatan
Larawang-guhit ni Dave Klug