Kaibigan
Buod ng Lumang Tipan
Pebrero 2026 Kaibigan


“Buod ng Lumang Tipan,” Kaibigan, Peb. 2026, 24–25.

Buod ng Lumang Tipan

Kulayan ang bawat bahagi ng buod na ito sa Lumang Tipan. Paano ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa Kanyang mga anak sa mga kuwentong ito?

Genesis 1:1; 2:7

Nilikha ng Diyos ang daigdig at sina Adan at Eva.

Genesis 6:13–14, 17–22

Iniutos ng Diyos kay Noe na gumawa ng bangka bago bumaha sa lupa.

Exodo 14:21–31

Tinulungan ng Diyos si Moises na hatiin ang Dagat na Pula at akayin ang mga Israelita tungo sa kaligtasan.

1 Samuel 17:38–50

Tinalo ni David si Goliat sa tulong ng Diyos!

Isaias 7:14

Nagpropesiya si Isaias tungkol sa Pagsilang ni Jesucristo.

Daniel 3:14–28

Iniligtas ng Diyos sina Shadrac, Meshac, at Abednego mula sa nagniningas na hurno!

Daniel 6:6–11, 16–23

Inihagis si Daniel sa yungib ng mga leon dahil sa kanyang mga paniniwala. Iniligtas siya ng Diyos.

Jonas 1–3

Sinuway ni Jonas ang Diyos at nilulon siya ng isang balyena. Nang magsisi si Jonas, iniligtas siya ng Diyos.

Esther 7:1–6

Nakumbinsi ni Esther ang hari na iligtas ang kanyang mga tao.

Alt text

Mga larawang-guhit ni Corey Egbert