Kaibigan
Mga Baitang sa Landas
Pebrero 2026 Kaibigan


“Mga Baitang sa Landas,” Kaibigan, Pebrero 2026, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Mga Baitang sa Landas

Hango sa “Mga Banal na Tulong para sa Mortalidad,” Liahona, Mayo 2025, 104–106.

larawan ng batang lalaki na nakapikit ang mga mata at nakahalukipkip at dalawang lalaking nagpapatong ng kanilang mga kamay sa kanyang ulo

Nais ng ating Ama sa Langit na makabalik lahat ang Kanyang mga anak at mamuhay sa Kanyang piling. Ang mga ordenansa at tipan ang kailangang mga baitang at ligtas na hawakan sa landas.

Kapag gumagawa tayo ng mga tipan, nangangako tayong susundin ang mga kautusan. Ang pinakamataas na mga pagpapala ng Diyos ay ibinibigay sa mga gumagawa at tumutupad sa mga pangakong iyon.

Ang ating bahagi sa plano ng Ama sa Langit ay magtiwala sa Kanya at gamitin ang mga kaloob na ibinigay Niya sa atin. Sa landas ng tipan, mas mapapalapit tayo sa ating Tagapagligtas at matatanggap ang Kanyang kapangyarihan para tulungan tayo sa ating landas.

Maze sa Landas ng Tipan

Hanapin ang landas palabas sa maze papunta sa inyong tahanan sa langit. Sa pagdaan mo sa bawat ordenansa, isipin ang mga pagpapalang natatanggap mo mula sa mga ito.

PDF ng pahina

Larawang-guhit ni Susana Gurrea