Kaibigan
Mga Adventure na Kasama si Inay
Pebrero 2026 Kaibigan


“Mga Adventure na Kasama si Inay,” Kaibigan, Pebrero 2026, 30.

Mga Adventure na Kasama si Inay

Isang tunay na kuwento mula sa USA.

Paglalarawan ng ina at anak na makahawak-kamay at naglalakad sa labas

“Magsimula tayo ng isang adventure!” sabi ni Tanner. “Maging mga explorer tayo!”

Batang lalaking nakasakay sa bisikleta habang naglalakad si inay sa tabi niya

Nagbisikleta si Tanner. Naglakad si Inay.

Batang lalaking nagbibisikleta pababa ng burol habang pinapalakpakan siya ni inay

Umakyat at bumaba sila ng burol. Naghagikgikan sila habang tumatalbog ang kanyang bisikleta.

Naglalakad ang inay at anak malapit sa isang lawa at mga puno

Nagpunta sila sa mga puno at sa paligid ng isang lawa. Ikinuwento ni Tanner kay Inay ang tungkol sa kanyang mga kaibigan sa paaralan. Ikinuwento niya rito ang tungkol sa mga paborito niyang aklat. Sinabi niya rito ang tungkol sa mga paborito niyang laro.

Inay at batang lalaki na nakaupo sa isang troso

“Inay, ano po ang mga paborito ninyong gawin?” tanong ni Tanner.

Magkayakap ang Inay at ang anak

“Ang isa sa mga paborito ko ay mag-adventure na kasama ka!” sabi ni Inay.

PDF ng Kuwento

Mga paglalarawan ni April Hartmann