“Ang Araw na Nagpabago sa Lahat,” Kaibigan, Pebrero 2026, 28–29.
Ang Araw na Nagpabago sa Lahat
1. Sanggol ay nasa sabsaban,
Habang tala’y maningning;
At sa krus S’ya ay nagdusa,
Namatay para sa ‘tin.
Hinimlay S’ya sa libingan
Nang ang araw magdilim;
Si Jesus na Manunubos,
Kamataya’y nagapi.
Koro: Nagbago sa araw na ito
Ang buhay ng mga tao.
Sapagkat S’ya ay mal’walhating
Nabuhay na muli.
Mas maningning araw na ito;
Na nagalak buong mundo.
Haring D’yos natin, ating purihin
Na ngayon lahat nagbago!
2. S’ya’y buhay at nalalaman
Lahat ng kailangan ko.
Kaibiga’t Manunubos
Ay minamahal ako.
Sa kamay N’ya na may sugat,
Akay N’ya ’ko pauwi.
Sa biyaya N’ya at awa,
Masaya akong muli.
Koro