Kaibigan
Si Bristol, ang Saksi sa Binyag
Pebrero 2026 Kaibigan


“Si Bristol, ang Saksi sa Binyag,” Kaibigan, Pebrero 2026, 26–27.

Si Bristol, ang Saksi sa Binyag

Isang tunay na kuwento mula sa USA.

Hi! Ako si Bristol. Ang pagiging saksi sa binyag ng kapatid ko ang PINAKAMASAYA!

Nang mabinyagan ako, may dalawang saksi: ang ate at kuya ko. Ang saksi ay isang taong nakatayo sa bautismuhan upang matiyak na nagagawa ang binyag sa paraang itinuro ni Jesucristo.

Kung hindi nailulubog sa tubig o mali ang panalangin, kailangang gawing muli ang binyag. Sa binyag ko, halos umangat sa tubig ang paa ko.

Kabadong-kabado ako, pero nakamasid nang husto ang mga saksi, at hindi naman daw ito lumabas sa tubig.

TUWANG-TUWA ako nang malaman ko na maaari din akong maging saksi matapos akong mabinyagan. Bininyagan ang nakababata kong kapatid na si Ryland isang taon matapos akong mabinyagan. Hiniling niya sa akin na maging saksi ako!

Pumayag ako (siyempre), pero sa loob ko, medyo nag-alala ako. Napakarami kong tanong! Saan ako dapat tumayo? Ano ang dapat kong sabihin?

Hindi naman ninyo kailangang mag-alala! Itinanong ko ang lahat ng tanong ko, at may payo ako sa inyo:

  1. Maaaring may salamin para makatulong na makita ang nasa loob ng baustismuhan. Ngunit dapat mong panoorin ang binyag, hindi ang salamin. Tumayo nang malapit doon para makita mo ang lahat!

  2. Kapag tama ang pagsasagawa ng binyag, ngumiti at itango ang iyong ulo. Kung napansin mong kailangang gawing muli ang binyag, tahimik itong sabihin sa taong nagsasagawa ng binyag.

  3. Huwag matakot na magtanong! Nang mag-alala ako, kinausap ko ang tatay ko. Ipinaliwanag niya ang lahat ng mga bagay-bagay sa akin.

Napakasaya ko na naging saksi ako para sa kapatid ko. Siguro balang araw, maaari ka ring maging saksi!

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Alyssa Tallent