Kaibigan
Nagsimba si Jesus
Pebrero 2026 Kaibigan


“Nagsimba si Jesus,” Kaibigan, Pebrero 2026, 6–7.

Nagsimba si Jesus

Maaari Din Akong Magsimba sa Araw ng Sabbath!

Itinuro ni Jesucristo na mahalagang magsimba (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 20:55, 75). Sa simbahan, maaari tayong tumanggap ng sakramento at matutuhan ang tungkol sa ebanghelyo. Magdrowing ng larawan ng gusto mo tungkol sa simbahan.

Nasa ibaba ang mga larawan ng mga bagay na magagawa mo sa simbahan o tahanan sa araw ng Sabbath para isipin si Jesus at mag-ukol ng oras sa iyong pamilya. Maglagay ng lapis sa gitna ng mga larawan at pagkatapos ay paikutin ito. Kapag tumigil ito, gawin ang aktibidad na itinuturo nito. Maaari kang gumawa ng marami hangga’t gusto mo!

  • Ibahagi ang iyong patotoo

  • Manood ng isang video ng Simbahan

  • Tulungan ang isang Primary teacher

  • Maglakad-lakad sa paligid

  • Bisitahin ang isang kapitbahay

  • Magbasa ng mga banal na kasulatan

  • Gumawa ng isang kard para sa isang tao

  • Kumanta ng mga awitin sa Primary

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Rachel Erickson