Kaibigan
Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Pebrero 2026 Kaibigan


“Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo,” Kaibigan, Pebrero 2026, 14–15.

Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Grupo ng mga batang Primary na nakasuot ng dilaw na vest

Ang mga batang Primary sa Acre, Brazil, ay nangolekta at naghatid ng mahahalagang bagay sa mga senior na nakatira sa isang assisted living center. Natuto sila ng pagdamay, habag, at paglilingkod sa iba.

Grupo ng mga batang Primary na may hawak na mga aklat

Ang mga batang Primary sa North Carolina, USA, ay nangolekta ng mahigit 500 aklat para sa isang service project ng stake. Ang mga aklat ay ibinigay sa mga lokal na libreng aklatan para matulungan ang mga bata na magkaroon ng access sa mga libreng aklat.

Nakangiti na batang babaeng may hawak na sining ng templo

Hannah C., edad 10, Texas, USA

Nakangiting batang lalaki na may hawak na drowing ng templo

Adrian H., edad 6, Hamburg Metropolitan Region, Germany

Drowing ng bata ng isang templo

Jia I., edad 7, Gyeonggi-do, South Korea

Drowing ng bata ng isang templo

“Stand Ye in Holy Places Lives [Tumayo Kayo sa mga Banal na Lugar],” Kalvin R., edad 9, Wisconsin, USA

Magkapatid na lalaki at babae na may mga templong gawa sa mga block

Para sa home evening, pinag-usapan namin ang tungkol sa mga templo na itinayo ng mga tao sa Aklat ni Mormon. Pagkatapos ay nagtayo kami ng sarili naming mga templo.

Giovanni, Angelina, at Gabe M., mga edad 8, 5, at 6, South Carolina, USA

Batang babae na tumutugtog ng gitara

Nagtakda ako ng mithiin para sa Children and Youth Program na matutuhan ang mga awitin sa gitara ko at magtanghal sa senior living center. Nagsikap ako nang husto sa aking mithiin nang mahigit isang taon. Sulit ang lahat ng pagod ko! Masaya ako nang makamit ko ang mithiin ko at nadama ko ang mga pagpapala ng Ama sa Langit.

Ingrid O., edad 10, Iowa, USA

Batang lalaki na suot ang damit pambinyag sa labas ng gusali ng simbahan

Inanyayahan ko ang mga kaibigan ko sa paaralan na pumunta sa binyag ko. Masaya ako na dumalo ang dalawa sa mga kaibigan ko at ang kanilang mga pamilya. Nadama ko ang pagmamahal ng Ama sa Langit matapos akong mabinyagan. Alam ko na ako ay anak ng Diyos.

Liam R., edad 8, Santiago Metropolitan Region, Chile

Batang lalaking nakangiti

Ang ate ko ay nasa misyon. Inaasam kong makapagmisyon ako kapag nasa edad na ako. Gusto kong tulungan ang mga tao sa lahat ng dako na malaman ang tungkol kay Jesucristo.

Levi T., edad 9, Ohio, USA

Dalawang batang babae na nakangiti

Nagpunta kami sa groundbreaking ceremony ng Tarawa Kiribati Temple.

Abigail at Saiara E., mga edad 8 at 10, Tarawa, Kiribati

PDF ng pahina